The Date-Disaster (Part 2) *** Queenie Hartman. Bumalik ako sa sasakyan ko at pinaharurot agad ito papunta sa building ng mga Travel Management at deretsong pinuntahan si Zinnia; ang babaeng deds na deds sa 'kin. Matagal na niya akong tinatanong kung kailan daw kami puweding mag-ano, pero I turn her down too many times but now, I needed her for my plan. Okay naman si Zinnia, sexy at maganda, kaya lang hindi ko talaga siya type. Pero 'gaya nga ng sinabi ko, ngayon ay kailangan ko siya. Ilang minuto pang paghahanap ay sa wakas nakita ko rin siya, talking with her friends while walking, papunta sigurado sila sa cafeteria. Naglakad ako papunta sa kanila at humarap kay Zinnia. Nagulat pa sila nang makita ako at ilang sandali lang ay 'yung ngiti ni Zinnia ay ab