Abducted (Part 1) *** Olivia Olivarez. "Hi Tasha, flowers for you." I flashed Tasha my most killer smile that can melt any woman's heart. "Sorry pero allergic ako sa flowers..." masungit na sabi niya saka na niya ako nilagpasan. Agad nagngitngit ang panga ko sa bwisit sa babaeng 'to. Hinabol ko siya. "Wait, Tash. What do you want ba? Hindi ko naman alam kung anong gusto mo..." Nangangamot sa ulong sabi ko. Kinunutan niya ako ng noo. "Honestly? Wala. Kasi may boyfriend na ako," she said dismissively saka na ulit umalis kasama ng best friend niyang si Princess na tahimik lang na nakamasid sa amin. "Okay. Perhaps a date later after class?" I said nagging. Ngumiti ako nang pagkalawak-lawak sa kanya. "Please? Let me take you on a date later, then if you didn't like it