Nagising si Astrid ng maramdaman niyang may humahalik sa mukha niya habang humahagikgik. Nang idilat niya ang mukha ay bumungad sa kanya ang anak na si Mia na may malapad na ngiti. “Good morning, Mama! Good morning little brother!” Hyper na bati sa kanya ni Mia. Astrid chuckled when Mia kissed her tummy. Pinanood niya si Mia na kinakausap ang tiyan niya animo ay sasagutin ito ng kapatid. Gayon pa man ay hinayaan lang niya ito. Pinapanood niya ang anak ng bumukas ang pinto ng silid nila ni Aillard at pumasok doon ang asawa niya. Agad na ngumiti si Aillard sa kanya. Dala ang food tray na lumapit ito sa kanila ni Mia at ng makalapit ito ay binaba nito ang tray sa lamesa saka naupo sa tabi nila ni Mia. “Good morning, Misis.” Bati nito sa kanya saka inilpit ang mukha at mariin na hinali