CARSON AFTER we settle Angela in Connor's house, we immediately went to his office. Tahimik lamang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Tila nagpapakiramdaman kami ngunit wala ni isa sa amin ang nagkaroon nang lakas ng loob upang magsalita. Hanggang sa makarating kami sa kaniyang opisina ay nananatili kaming walang imik. Agad kaming sinalubong ng guwardiya sa gusali nang makita nitong huminto ang sasakyan ni Connor sa entrance. Dali-dali nitong binuksan ang pinto ng sasakyan para kay Connor. Nang makalabas ang lalaki ay agad naman akong sumunod. Hindi nakaligtas sa akin ang gulat sa mukha ng guwardiya nang makita niya akong lumabas mula sa sasakyan. Marahil ay nagtataka ito kung bakit sabay kaming dumating ni Connor sa opisina. At kagaya nang pagkagulat ng guwardiya ay ganoon di