CARSON HINDI ko alam kung ma-di-disappoint ba ko o matutuwa dahil tinupad ni Connor ang pangako niyang walang ibang gagawin kung 'di ang manood lamang ng movie. He respected my request to take it slow. Mukhang mas mauuna pa nga akong sumuko kaysa sa kaniya. Hindi ko na rin halos naintindihan ang aming pinanonood dahil pilit kong pinakikiramdaman ang mga kilos niya. Hindi na rin namalayan kung anong oras akong nakatulog habang nanonood. Nagising na lamang akong malinawag na sa labas. Bahagya ko pang kinusot ang aking mga mata at marahang nag-inat. Bumangon ako at iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng aking silid. Binalot nang pagkadismaya ang aking puso nang mapagtanto mag-isa lamang ako roon. Maayos nang nakatiklop ang blanket sa ibabaw ng mahabang sofa kung saan kami nakaupo kaga