SPG-MATURE CONTENT PART 1 CARSON HALOS kalahating minuto rin ang iginugol ko sa pag-aayos. I decided to wear my red two-piece bikini. Kumuha lamang ako ng balabal na itatapis sa aking baywang upang kahit papaano ay matakpan ang kalahati ng aking katawan habang naglalakad ako palabas ng hotel. Nagpahid na rin ako nang paunang sunblock upang maproteksyonan ang aking balat sa araw. I brought some spare so I can re-apply sunblock later. Inihanda ko na rin ang aking maliit na sling bag na siyang gagamitin ko upang paglagyan ng mga importanteng gamit na aking dadalhin. Habang abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit ay muli akong nakarinig ng katok mula sa pinto. Napabuntonghininga na ako dahil sigurado akong walang iba 'yon kung 'di si Connor. Sinubukan kong huwag na lamang iyong pansinin