CARSON HALOS mag-uumaga na nang makabalik ako ng Maynila. Halos nakauwi na rin ang mga bisitang inimbitahan ni Kira para sa pagsalubong sa akin. Napangiti na lamang ako habang iniisip ang itsura ni Kira dahil hindi ako dumating sa welcome party na inorganisa niya para sa akin. Nakapagligpit na rin ang lahat at maayos nang muli ang kabuuan ng bahay. May pangilan-ngilan lang na natirang mga dekorasyon ngunit karamihan sa mga iyon ay kakaunti na lamang. Dumiretso na ako sa aking silid upang magpahinga. Nang makapasok ako sa kuwarto ay hindi na ako nagulat nang maabutan ko si Kira roon na natutulog. Naalimpungatan ito nang buksan ko ang maliit na ilaw sa aking vanity mirror. “Wow…masyado ka namang maaga para sa party mo,” sarkastikong bungad nito sa akin habang nag-iinat at nagkukusot ng