CARSON NAGING payapa naman ang aking paglalakbay hanggang sa makarating sa port kung saan nakadaong ang barkong aking sasakyan. Sa buong biyahe ay hindi ko na muling nakita si Cooper matapos naming lumipat ng eroplano para sa aming connecting flight patungo rito. Bahagya ko naman iyong ipinagpasalamat dahil kahit kaunting oras ay naging payapa ang aking biyahe. Cooper has been nothing but a great companion during those hours that I've been travelling with him. Iyon nga lamang ay masyado itong makuwento. Mabait naman ito at magalang kaya nakokonsensya akong sabihin dito na kung maaari ay tumahimik ito. But there are some time that I enjoyed some of the things that he was saying. Subalit ang lahat ng iyon ay salungat sa pangunahin kong dahilan kaya't gusto kong maglakbay mag-isa. I want pe