Matapos naming kunin ang lahat ng goblin fangs na kailangan namin ay kaagad na nag-aya si Amara na puntahan na namin ang sinasabi niyang lugar kung saan pwede kaming maligo. Kapwa kami nagangamoy dahil sa lansa ng dugo na nakuha namin mula sa mga goblin. “Couple scent tayo oh,” pang-aasar niya at pasimple akong inamoy. Kaagad ko naman siyang tinulakat pinitik ang noo. “Huwag kang umakto na parang close tayo,” malamig kong sambit sa kanya. “Ouch daddy! Ang cold, ha,” nakangusong saad niya habang hinihimas ang noo niya. “Tara na. Dalhin mo na ako sa sinasabi mong lugar,” saad ko at nang hindi na humaba pa ang usapan. Hindi ko na rin kasi kayang tagalan ang lansa ng dugo ng goblins. Umismid lang sa akin ang dungeon guide bago ako inirapan. “Wala ka talagang interes sa akin, ‘no?” aniya b

