“Bakit kasi ito ang pinili mong daan, Leo?” pagmamaktol ni Amara na nasa harapan ko lang habang gumagapang upang makalusot sa makipot na daan papunta sa second floor. Maya-maya pa ay bigla siyang humagikhik. “Siguro planado mo ito para masilipan ako, ‘no? Magsabi ka lang, Leo, ipapakita ko ang Divine Core ni Amara sa ‘yo,” malokong dagdag niya bago mas humalakhak. Hindi ko na lang siya pinansin at pinatulan at nang tumigil na. Nang wala siyang makuhang reaksyon mula sa akin ay tumigil na siya. “Ang cold talaga, eh,” bulong niya na narinig ko naman. “Ayan na, may nakikita na akong liwanag!” sabik niyang sambit bago mas binilisan ang paggapang. Napatingin ako sa unahan at may mga sinag na nga ng akong natatanaw. “Sa wakas, nandito na tayo sa second floor!” bulalas ni Amara bago tuluya

