Habang palayo nang palayo ang nilalakad namin ay pataas nang pataas at pakapal nang pakapal ang mga d**o’t ligaw na halaman. Halos pumantay na ito sa ulo ni Amara at halos umabot ba rin tio sa aking dibdib. “Leo, buhatin mo na lang kasi ako para makita ko ang daan!” maktol ni Amara habang pilit na hinahawi ang mga halaman sa harapan niya. Kanina pa siya nagrereklamo at gustong magpabuhat sa akin, pero hindi ko siya pinapansin. Nakikita ko kasing kaya niya pa naman. At is pa, nakikita ko pa naman ang dinadaanan namin. Pwede pa akong magsilbing gabay niya. “Saan ba kasi talaga tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Naitanong ko na ito sa kanya kanina at ‘basta’ lang ang isinagot niya sa akin na may kasamang kinndat. “Hahanapin natin ang pinakamadaling hanapin na sangkap sa paggawa ng healin

