bc

Leader of the Band (Filipino)

book_age16+
1.4K
FOLLOW
9.3K
READ
revenge
sex
age gap
second chance
dominant
badboy
drama
bxg
friendship
cruel
like
intro-logo
Blurb

Samiera Nadia entered an artist search for the most important person in her life only to get tangled with the people whom she wanted to forget. Along with that, fragments of memories started to come back and the fright of history repeating itself is on deck.

****

Saia, a music student in one of the country's best Music School decided to enter an artist search aiming for the monetary prize, but as she started her journey, the people from her past came back and started opening back the wounds that have not even healed yet. Things got even more complicated when she got involved with them again. Issues arised and past conflicts came back.

She once took the lead

Until she was sent out to bleed

Now, she's back with a new breed

What does it take for someone to pursue their dreams? How long will someone go up to for a positive result?

chap-preview
Free preview
Prologue
Manila Bulletin HEADLINE: Lights Out Band member Phil, sangkot sa isang rambulan sa loob ng isang bar sa BGC. Kiarra of Lights Out, may attitude nga ba? Maena Lim to leave Lights Out because of members and leader's bad attitude. Lights Out World Tour tuloy pa nga ba? Duke Villamor planning to go solo? Lights Out Disbandment trends in Tweeter worldwide Halos umusok ang ilong ni Dee habang tinitingnan ang nagdagsaang articles sa computer. Nanggagalaiting pinindot niya ang x mark ng browser tsaka pabagsak na sumandal sa kanyang swivel chair. Nasapo niya ang kanyang noo. Sumasakit na ang ulo niya sa kaiisip ng magagandang palusot para lang hindi masira ang pangalan ng banda. Halos buwan buwan na lang silang laman ng mga headlines. Muntik pang mag-atrasan ang mga kliyente ng kanyang agency dahil ayaw ng mga itong masangkot sa gulo ng nag-iisa nilang banda. She needs to think fast! Ano na namang palusot ang gagawin niya at anong gimik ang ibibigay niya? "Miss Dee, nagpatawag po ang board members ng meeting. You are askes to be there in five minutes." Bumuga siya ng marahas na hininga at inis na tumayo sa kinauupuan. Hinablot niya ang kanyang blazer at saka taas noong naglakad papunta sa board room. Kapansin-pansin ang hindi maipintang mga mukha ng board members. Pinigilan niya ang huwag mairap. Alam niya kung bakit ganyan ang mga mukha ng mga ito. Huminga siya nang malalim at pumunta na sa kanyang puwesto, sa dulo ng mahabang lamesa. "Dee, ano na naman itong kinasasangkutan ng mga alaga mo? For God's sake! Buwan buwan na lang may individual at band issues! Kailan ba ito matatapos?!" panimula ng matandang babae sa kanyang tabi. Nagsitanguan ang ibang board members. "How can you assure us that our clients will not back out because of these? Sabit ang pangalan namin kung nagkataon! We need to take action, immediately. They have a vast fandom, isang maling kilos pag-uusapan sila agad. Alam ng karamihan sa mga partners ko na involve ako sa agency at bandang iyan. Kung ganito lang rin naman, might as well we pull out our shares," segunda naman ng matandang lalaki sa kabilang dulo. Agad na umingay ang ibang board at nagsitanguan. Nanlaki ang mga mata ni Dee at mas lalong nainis. Pero hindi niya pwedeng ipakita iyon. She needs to calm down. Huminga siya nang malalim at tumikhim para makuha ang atensyon ng mga kasama. Plastik siyang ngumiti bago nagsalita. "I know you are worried about the damages of the issues, but I assure you that everything is under control. As of the moment, my team and I have been working on some gimmick to shut those issues down," kalmado ngunit may diin niyang sabi. Ngumiti ulit siya pero mukhang hindi na kumbinsido ang board sa kanya. Ilang buwan na rin kasi niyang sinasabi iyan. Kung hindi ba naman kasi matitigas ang ulo ng mga alaga niya, wala sana siyang problema! "Dee, baka naman mas makabubuting patigilin muna sila para lang humupa ang issue. The more na magpakita sila sa public, the more na mauungkat ang mga issues nila," anang lalaki sa kanyang kanan. Nagsitanguan ang iba nilang kasama. Bumuntong-hininga ulit siya. "But Mr. Dominguez, mas magagalit po ang mga fans nila pag ginawa natin iyon. That would be like admitting that those issues were true," sagot niya,nakangiti pa rin. Umismid ang iilang babaeng board. Napairap na lang siya. "Hmm, how about you divert their attention, Dee? What about you make another project for the agency nang sa ganoon ay mapunta roon ang spotlight at hindi ba sa lights out." Lahat sila ay napatingin sa babaeng nasa gitnang kanan. Nagkibit-balikat ito. Siya ang pinakabata sa mga shareholders. Maganda, mula sa mayaman at maimpluwensyang pamilya. Tumaas ang kilay ni Dee at pinukulan ito ng tingin. "What do you suggest, Miss Hamilton?" "Hmm. Lately kasi, napansin kong na-eenjoy ng mga fans ang survival shows. Let us take for example sa Hallyu World ng Kpop. Familar of Produce 101? Mix and Match? WIN? Treasure Box? Those are just some examples of survival shows. Ang ginagawa ng mga agency ay sa halip na private na tine-train ang kanilang mga potential talents, pina-public nila ito. It's another way of finding out who will sell in the market. May iba-ibang challenges na dapat lampasan ang mga talents kung gusto nilang manalo at mag debut. At the end of the day, votings at performance ang basehan ng mananalo. Why don't we make our own survival show? That would be a hit for sure." Agad na nagbulong-bulungan ang ibang mga board. May ibang sumang-ayon, may ibang walang reaksyon at may ibang nagdadalawang isip. Kumunot naman ang noo ni Dee. "Are you saying that we should go for a talent search?" Napatingin lahat ng board sa kanya. Ngumiti si Miss Hamilton. "Yes, Dee. Besides, with the issues of Lights Out, I don't think they can sustain their career for the next ten years. We need new and fresh talents. We need a back up plan. After all, this is still business. Hindi sapat na sikat sila ngayon. We need talents that can support the agency for the next 10 or more years perhaps." Mas lalong umingay ang buong conference room. Nag-uusap usap na ang mga matatanda tungkol sa sinabi ni Hamilton. Napasandal si Dee sa kanyang upuan. A survival show. That would surely divert the fans' attention. Pero paano niya ire-rebuild ang reputasyon ng banda? Sandali siyang nag-isip at agad na napangiti nang may magandang ideyang pumasok sa kanyang isipan. Tumayo siya at muling kinuha ang atensyon ng mga kasama. She flashed her big smile as she started her proposal. "Let's make a Music Camp. Kagaya ng sinabi ni Miss Hamilton, magiging patok ito sa mga fans katulad ng mga survival shows sa Korea. However, hindi sapat na ma-divert lang ang atensyon nila sa panibagong bagay. We also need to erase the issue that they are throwing at the band. Before we think of the future, let us save the present first." Huminto siya at tiningnan si Miss Hamilton. Hilaw na ngumiti ito sa kanya. "Gagawin nating in-charge ang Lights Out sa Music Camp. Together with our trusted composers and musicians, isa sila sa magiging judges at mentors ng contestants. This will show the fans that despite their fame and spotlights. Marunong silang tumulong at lumingon sa kanilang pinanggalingan. That would rebuild their names and reputations." Malapad siyang ngumiti nang magsitanguan ang mga board members. "So, it's a deal. Let's start this then," si Miss Hamilton. Ngumisi si Dee. "We will." ~***~ Isa-isang pumasok ang mga miyembro ng bandang Lights Out sa conference room. Naupo sila sa malaking round table at hinihintay ang pagpasok ng kanilang Agency President. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na ang kanilang hinihintay. Kumekendeng na pumasok si Dee Versales sa conference room. Nakasuot siya ng puting bodycon dress na pinaresan ng six inches na stilleto. Pumalakpak siya para kunin ang atensyon ng banda. "Anong meron, Dee? What's with this sudden meeting?" tanong ng lalaking may magulo at itim na buhok, suot ang kanyang signature black leather jacket. "Good thing that you asked, Duke. This meeting is all about ANH's newest project." Makahulugang ngumisi ang dalagang presidente. Nagkatinginan ang buong banda. Duke Vergara's forehead creased. "New project? For the band?" tanong nito. Tumawa at umiling si Dee. Mas lalong nagtinginan ang banda. Umupo siya sa pinakadulong upuan at nginitian ang kanyang mga talents. "Lights Out, panahon na para magkaroon kayo ng kasama sa ating agency. ANH have decided to find new talents to debut!" masayang anunsyo niya. Agad na tumili ang dalawang babae sa kanyang gilid. "Oh my gosh! Gagawa tayo ng parang the voice?!" excited na saad ng babaeng nakatirintas ang ang buhok, si Maena, ang keyboardist. Umirap naman ang babaeng mala-gothic style kung manamit, si Kiarra, ang bassist. Abot-tengang ngumiti si Dee. "Ahuh. Pero may isang twist tayong gagawin. This search will be held in a music camp at lahat ng makakasali ay manggagaling sa pinaka prestihiyosong music school sa bansa!" Excited na pumalakpak si Maena. "Pwede yan, exciting," sabat naman ng drummer nilang naka spike ang buhok, si Phil. Ngumiti rin ang kanilang guitarist na blonde, si Kein. Halos silang lahat ay excited at masaya sa nalamang project, pwera na lang kay Duke. "Bakit pa?" mapait na sambit ng binata. Agad na natigil ang pagsasaya ng kanyang mga kasama. Tumaas ang kilay ni Dee. "Bakit? Just simple, Duke. We need fresh and new talents. We need another taste of music. Ilang taon na ring namamayagpag ang Lights Out and I think it's time that we produce another band that would bring a new taste of music." Proud na ngumiti ang kanilang presidente bago binalingan si Duke na hindi pa rin maipinta ang mukha. "Hindi pa kami laos, Dee." Agad na binalot ng katahimikan ang buong conference room dahil sa sinabi ni Duke. Mabilis na tumaas ang gilid ng labi ni Dee. "You're right. Hindi pa. Hindi pa, Duke. But when that time comes, may bago nang papalit sa inyo. We're just being practical here, Duke. After all, this is still business. Our main priority will always be producing talents that would make our agency on top." Hindi sumagot si Duke. Wala na ring nagsalita pa sa banda. Huminga nang malalim si Dee bago tumayo. "Idi-discuss ng aking team mamaya ang magiging role ninyo sa music camp at ang mangyayari sa inyong mga schedule. Tomorrow we will be having a presscon. I'll see you at my office in 5." ~***~ "What the fuck is the meaning of this, Dee?! Ika-cancel mo lahat ng tour at gigs namin para saan? Sa isang music camp?!" Dumagundong ang boses ni Duke sa buong opisina ng kanilang presidente. Agad na tumayo si Dee at ipinagkuros ang kanyang mga braso. "You will be the judges and mentors of this music camp, Duke. Kayo ng mga ka-banda mo ang tutulong sa aming maghanap ng mga talent na pupwedeng lumibel o di kaya'y humigit pa sa inyo. Believe me, Duke, this is a better exposure for the band after all the issues that you have caused." Tinaliman niya ang tingin sa kanyang talent. Nanunuyang tumawa si Duke. "Wala nang mas hihigit pa sa amin, Dee. We're the asia's golden band. You really think one of those kids from that freaking school has the talent to beat us? You've got to be kidding me, Dee. And if this is about the issues, c'mon! Ilang taon na natin pinagdaanan iyan. Nakakalusot tayo palagi! What's new?" umiiling na sagot ni Duke. Mabilis na tumaas ang kilay ni Dee at tumawa. Duke's forehead creased and stared at his boss. Naningkit ang mga mata ng babae. "Talagang akala mo ganoon kadali lumusot sa mga pinaggagawa niyo? Kung hindi sana kayo matitigas ang ulo, payapa ang buhay natin. And kid, huh? You might want to remember how you started, Duke. She was once a kid. An innocent kid." Bahagyang natahimik si Duke. Umigting ang kanyang panga kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamay. Dee looks at him amusingly. "Cat got your tongue, Duke? Wag ka kasing masyadong confident. Hindi lahat ng meron ka ngayon ay iyo. Just follow my orders if you want to keep your career."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.1K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
82.0K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook