bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

book_age18+
136.9K
FOLLOW
782.4K
READ
billionaire
escape while being pregnant
brave
CEO
drama
bxg
office/work place
first love
office lady
like
intro-logo
Blurb

--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)---

Si Kendra Buenavidez ay maganda, simple, masipag, matalino, madiskarte at mapagmahal sa pamilya. Ganyan inilarawan ng magulang ang sekretarya sa kanya.

Hindi naman siya interesado dahil may nobya na siya. Pero hindi niya akalaing mai-inlove agad siya sa unang pagtatagpo.

Unang pagkikita pa lang nila ng sekretarya ay nagkaroon agad ng apoy sa pagitan nila. Apoy na hindi na niya kayang iwasan.

Pero kahit ganon, pilit niya pa ring tinatatak sa isip na mas mahal niya si Darlene, pero bakit ganon, iba ang sinasabi ng puso niya.

Hanggang sa dumating ang araw na kailangan niyang pumilli. Sa pagitan ng nobya at ng dalaga...

----

Tunghayan po natin ang kwento ni Blake Kent Hernandez at Kendra Buenavidez

**********************

EDITED BY: MYRA CRISELDA

ITO PO ANG PAGKASUNOD-SUNOD NG ZL LOUNGE SERIES

?MY SECRETARY OWNS ME (ZL LOUNGE SERIES 01)

?MR. BILLIONAIRE AND EVE (ZL LOUNGE SERIES 02)

?PAID BY THE BILLIONAIRE (ZL LOUNGE SERIES 03)

? HOTELIER'S EX-WIFE (ZL LOUNGE SERIES 04)

?A NIGHT TO CHERISH (ZL LOUNGE SERIES 05)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
INIS NA INILAPAG ni Kendra ang sling bag sa mesa. Alas-onse na kasi ng gabi nang matapos ang mga gawain sa office dahil sa panibagong mangyayari sa kompanya nila. Ika nga, bagong administration na, magre-retire na kasi ang matandang boss niyang si Generoso Hernandez, ang kasalukuyang CEO ng Hernandez Group of Companies. Siya naman si Kendra Buenavidez, ang kasalukuyang sekretarya nito. Kahit na magre-resign na ito ay ’di pa rin siya nito tinanggal sa pwesto. Halos alas-dose na nang marating niya ang apartment, hindi tuloy niya nasipot ang ka-blind date. Magtetrenta na siya sa katapusan ng buwan. Isang taon na lang at mawawala na siya sa kalendaryo, tapos ay miyembro pa siya ng NBSB, as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH and take note, virgin pa siya sa edad niyang ’yan. Ngayon na nga lang siya nagkainteres makipag-blind date tapos ay hindi pa natuloy. Humingi siya ng pasensya sa pinsan niyang may pakana nito at ipinaliwanag naman nito sa dapat na ka-blind date niya kung bakit hindi siya nakarating. Napatigil siya sa paghuhubad ng damit para magbihis nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Ang boss niya, tumatawag. “Oh my god! Anong oras pa lang, Tito!” sabi niya pero hindi pa sinasagot ang tawag nito. Tito na kasi ang tawag niya sa kanyang boss kapag tapos na ang trabaho. Naging malapit na kasi siya sa mag-asawang Hernandez pagkatapos ng nangyari kay Ma’am Anastacia sa Caramoan. “Hello, Kendra?” anito at nagpatuloy nang marinig ang pagsabi niya ng ‘Yes, Sir.’ “Tito, Kendra! ’Di ka pa ba sanay?” pagkuwa’y tanong nito. “Meet me at my office tomorrow, 10 a.m. and don’t be late!” dugtong pa nito. Never siyang humindi sa kanyang boss. Malaki rin kasi ang utang na loob niya sa mag-asawa sa kung ano man ang tinatamasa niya ngayon. Masyado siyang close sa mag-asawa pati na rin sa bunsong anak ng mga ito na si Keith. Malaki ang bonus niya tuwing December at may gift din siyang natatanggap tuwing kaarawan niya. They treat her like a family. Kaya lalo naman niyang sinisipagang magtrabaho. Kahit anong araw at oras siya nitong ipatawag ay mabilis pa sa bullet train kung kumilos siya para lang makarating agad. Araw ng Linggo bukas at kung tutuusin, dapat ay araw ng pahinga niya, pero para sa mga katulad niya, hindi uso ’yon at bawal din mapagod. Kinabukasan, bigla siyang napatayo nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarm clock at ng cellphone niya. Para siyang robot na nagmartsa papuntang banyo. Naalala niyang nag-set din pala siya ng alarm sa cellphone niya. Alas-otso na. Dapat, mga 8:30 ay nakaalis na siya dahil Valenzuela pa ang panggagalingan niya at sa Makati pa banda ang opisina nila. Kapag weekdays, maaga siyang umaalis, pero ’pag Linggo, hindi naman gano’n kaaga kasi hindi naman traffic ang EDSA. May condo naman siya sa Makati na malapit sa opisina nila, ’yon ang regalo sa kanya noong ikatlong taon niya sa kompanya at kasabay pa ng kaarawan niya. Ayaw niya lang mag-stay sa condo dahil mas gusto niyang kasama ang mga kapatid. Nah, magkapitbahay pala sila ng kapatid niya. Family oriented kasi siya. Sabi niya sa sarili na aalis lang siya sa tabi ng kapatid kapag nag-asawa na siya. Eksaktong 9:30 no’ng dumating siya sa tapat ng building at mabilis na pumasok. Nilapag lang niya ang sling bag sa desk at dumeretso na siya sa opisina ng boss para punasan ang table nito. Siguradong paparating na ito. Pero napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan ng private room ng boss niya. “May tao!” aniya sa sarili. Nanlaki ang mga magagandang mata niya nang iniluwa nito ang isang mala-adonis, este guwapong lalaki. Matipuno at mukhang hot. Kitang-kita ang six packs abs nito. Walang pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot. “Holy Shit!” sabi pa niya sa sarili. Bigla namang nagtama ang kanilang paningin. Oh my . . . ’Di niya namalayang nakanganga na pala siya. Lumapit ito at tumitig sa kanya na ikinanginig ng buong katawan niya. “You must be, Kendra?” bungad nito. Shit! Hot at husky rin ang boses nito! Mukang anghel din ang mukha sa malapitan. ’Di kaya anghel ito? Napaigtad siya nang bigla pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Aren’t you?” Nagsalita ulit ito. Oo nga pala, may tinatanong pala ito. “Y-yes! I am Kendra, and you are?” nauutal niyang saad. “Kent,” anitong nakangiti at lalong inilapit ang mukha sa kanya, pero agad din siyang umiwas ng tingin sa binata. OMG! So siya pala ang susunod na boss niya. Ang panganay nila Tito. Hmm, mukhang masasarapan siya, este gaganahan siyang magtrabaho lalo. Shit! Ramdam na niya ang paghinga nito. Biglang nag-init ang buong katawan niya. Iba rin ang dating. Hininga pa lamang ay nag-iinit na siya, halik pa kaya nito? Napatigil siya sa pag-iisip nang tumaas ang isang kilay nito. Binaling niya ang tingin sa pintuan ng opisina. Gusto niyang lumabas dahil parang hindi siya makahinga sa sobrang lapit nito. Naiilang siya. Akma siyang aalis sa harapan nito nang biglang hinarangan ng kamay nito ang daraanan sana niya. “Where do you think you’re going?” mahina pero matigas na tanong nito. “A-ah . . . sa labas po, Sir, may kukunin lang po ako,” palusot niyang sabi at dere-deretso siyang nagmartsa palabas ng office nito. Nakahinga siya nang maluwag nang nakalabas na ng opisina nito. Mahigit dalawang minuto lang yata ang tinagal niya sa upuan para pakalmahin ang nag-iinit na puso niya. Maya-maya ay binuhat na niya ang files na kailangan nitong aralin. Akala niya, si Sir Gener ang makakasama niya ngayon. Wala rin kasi itong nabanggit kagabi sa kanya. Kumatok muna siya nang tatlong beses bago niya binuksan ang pinto. Sa tingin naman niya ay nakapasok na ito sa CR dahil wala ngang sumasagot at mukha kasing papunta sa direksyon ng banyo ang tungo nito kanina. Wala talaga siyang narinig na nagsalita kaya tumuloy na siya. Pero nanlaki ang mga mata niya at napasigaw siya nang makita ang bagong boss na nakatapis lang. Halatang nagulat din ito pero agad ding umaliwalas ang mukha nito nang makita siya. Nakatingin pa rin ito sa kanya at ngumiti kaya bigla siyang tumalikod. Mukhang maliligo pa lang ang bagong boss niya. “Sabayan ko na kaya?” pilyang tanong niya sa sarili. Hihintayin niya sanang pumasok ito sa banyo, pero lalo lang siyang nataranta nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya. ’Di niya alam kung aalis siya sa kinatatayuan niya o lilingon. Kung lingunin kaya niya ito? Napangiti siya sa isiping ’yon. Napasinghap naman siya nang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya. Halatang sinadya siya nitong bugahan ng hininga. Bigla siyang kinilabutan, pero ibang klaseng kilabot at hindi nakakatakot, bagkus ay nakakakilig at para siyang hihimatayin nang magsalita ito. Ang lakas ng tibok ng puso niya. “I will take my shower first. Do you want to join me?” anito na parang nang-aakit—na lalong idinikit ang mukha sa balikat niya. Napasinghap siya rito. “Yes!” sabi ng isip niya. Shit, ang rupok niya! “Hmm,” wala sa huwisyong sabi niya. “Hmm, means yes?” anitong natatawa. Nawala sa isip niyang nakatapis lang ito ng tuwalya kaya napasinghap siya nang lingunin ito para magpaliwanag. Lalo lang siyang natigilan sa ginawa niya, biglang ibinaba niya ang tingin at napalunok nang titigan ang nasa pagitan ng mga hita nito na animo’y natatakpang ahas at parang gumalaw ’yon. Alive na alive. Parang naghahanap ng matutuklaw. “Mukhang malaki!” sabi niya sa sarili na ikinailing niya at biglang tiningnan niya ito sa mukha. “Are you done checking me out?” tanong ni Kent. Lalo naman siyang nataranta sa ibig ipahiwatig nito. “N-no, no! I mean, hmm, lalabas muna ulit ako, Sir! ’Yon, tama, lalabas muna ako!” aniyang ikinukumpas pa ang kamay. Akma siyang tatalikod nang hilahin siya nito paharap at napatingin na naman siya sa baba nito. “Hmmn, are you enjoying the view talaga, down there?” Pagkuwa’y ngumuso ito sa baba nito. Napalunok naman siya sa tinuran nito. “Silly girl. Fuck! But I like it! I like the way you look at me, especially at my best friend!” nakangiti nitong sabi at tumalikod palakad papuntang banyo. Akma nitong pipihitin ang doorknob ng CR nang lingunin siya nito. “Just knock if you change your mind,” pilyong sabi nito at tuluyang pumasok. “Pervert!” sigaw ng isip niya. Pero gustong-gusto niya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Ibang-iba sa mga lalaking nakakahalubilo niya. Wala na si Kent sa harap niya pero nakatulala pa rin siya. Nahimasmasan lang siya nang naramdamang nangangalay na ang kamay niya sa hawak na files. Mabilis na tinungo niya ang mesa nito at mabilis din na lumabas ng opisina. Ayaw na niyang maabutan pa siya nito paglabas. Agad na tinungo niya ang ladies’ room at naghilamos doon para mawala ang kiliti at kilig na dala ng binata sa kanya. Pero panay-panay ang ngiti niya nang maalala ang engkwentro nilang dalawa sa opisina nito. Kung ’di lang niya ito boss, oo na agad ang sagot niya no’ng tinatanong siya nito kung gusto ba niyang sumabay at ibigay na ang perlas ng silangan dito sa CR mismo. Charot! Landi pa! Mabilis na naglagay siya ng makeup at matte lipstick. ’Yon kasi ang uso ngayon. Light lang siya talaga mag-makeup, ayaw niya ’yong parang sinampal nang kabilaan. Simplicity is beauty, ika nga. *** SAMANTALA, AGAD NA binuksan ni Kent ang shower. Bigla siyang nag-init sa ginawang panti-trip sa sekretarya ng ama, na ngayo’y magiging sekretarya na niya. Natuwa lang kasi siya sa mga kwento ng kapatid niya at lagi rin pinupuri ito ng ama niya, kaya naisipan niyang pag-trip-an ang dalaga. Ayon kasi sa ama niya, lagi itong maaga at never pang na-late simula’t sapul. Every year ay may award din ito, at lagi itong nano-nominate na best employee of the year at siyempre ang dalaga ang laging nanalo, ayon naman sa kapatid niya. Napangiti siya nang maalala kung paano nito titigan ang alaga niya. Namumula rin ang mukha ng dalaga. ’Di naman niya kasi akalaing hot ito sa personal kahit na maliit. Sa tantiya niya ay nasa 5’3” lang ang height nito. Ang cute niya nga, eh. Sa bagay, three years ago pa yata ’yong picture na nasa database nila. ’Di pa ba nag-a-update ang HR? Narinig niyang sumara ang pintuan ng opisina at sa tingin niya ay lumabas na siguro ito. “Parang ang sarap niyang tikman,” wala sa sariling sambit niya habang ini-imagine ang babaeng gumugulo sa isipan niya ngayon ngayon lang. Bakit ba kasi sa office pa agad siya dumeretso pagkagaling ng airport? Nagkakasala tuloy siya sa nobya na naiwan sa Italy. Yes, may nobya na siya! Si Darlene. Isa itong modelo. Maganda, sexy, at matalino. Isa itong half-Filipino at half-Italyana. Halos tatlong taon na rin sila nito. No’ng nakaraang taon lang ay niyaya na niya itong magpakasal, pero tinanggihan siya sa kadahilanang ’di pa ito nagsasawa sa pagkadalaga at ayaw iwanan ang career nito. Inintindi niya ang dalaga dahil mahal na mahal niya ito. Kaya niyang maghintay para dito. Gano’n niya ito kamahal. Maya-maya ay may narinig siyang nag-uusap. Sa tingin niya ay dumating na ang papa niya. Si Kendra lang ang nagsasalita at mukhang nakikinig lang ang papa niya. Narinig niyang nabanggit nito na nasa CR siya. Binilisan niyang maligo dahil 10:30 ay may lakad daw ang papa niya. Paglabas niya, ang ama niya lang ang kanyang nabungaran. Sayang, ’di siya nakita ng sekretarya. Nanghinayang pa siya sa lagay na ’yan. Marahil ay pinalabas muna ito ng kanyang ama. Siguradong tititigan na naman nito ang alaga niya at gustong-gusto naman niya iyon. Sa isiping ’yon ay bigla na naman siyang nag-init. Fuck! “Pa, how are you?” aniyang lumapit at akmang hahalik sa pisngi nito. “You!” anito at akma siyang hahampasin ng newspaper. Buti na lang at mabilis siyang nakaiwas. “Pa, what’s wrong? Don’t you miss me?” aniyang natatawa. “Nagtatampo ang mama mo, bakit ’di ka raw dumeretso sa bahay! Call her, now!” sigaw nito at akmang ibabato na ang newspaper na hawak. “Yeah, I will, Pa. Don’t worry. Nagpapa-miss lang ako lalo!” ani Kent. “Damn you! Lagot ka sa akin ’pag inatake ang mama mo!” galit pa ring sabi nito. “What do you think of Kendra?” pagkuwa’y tanong nito at nginuso ang sekretarya na nasa labas. “Hmm, she’s cute, and hot!” nakangiting sabi niya. “Blake Kent!” Parang babatuhin na talaga siya ng ama. ’Pag gantong buong pangalan na niya ang binabanggit nito ay siguradong galit na ito. Umaandar na naman kasi ang pagkapilyo niya. “’Di ko pa masasabi ang performance niya as an employee, but I think she’s good in . . .” pambibitin niya. “You know what I mean, Pa,” aniyang pagbibitin sa sasabihin habang nakangiti, at mukha namang na-gets ng ama iyon nang walang ano-ano’y binato na nga nito sa kanya ang binabasa nito. “Ouch!” natatawang sabi niya. “Be good to her, Kent. I like her, huh! She’s good at everything here. ’Di ka mahihirapan, maasahan pa!” papuri nito sa sekretarya. “Bilisan mo nang magbihis at papapasukin ko na si Kendra,” pagkuwa’y sabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
616.5K
bc

That Night

read
1.1M
bc

POSSESIVE MINE

read
973.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.4K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.7K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.3K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook