Revenge-1
"Manang Dolor sino po ang kaaway ni Daddy ang aga-aga?" Tanong niya nang makababa ng hagdan.
Mula sa itaas narinig niya ang mga sigawan sa unang palapag ng kanilang bahay, kaya naman nagmamadali siyang bumaba para alamin ang nangyayari.
"Sino pa nga ba ang edi ang Kuya Juancho mo," tugon nito sa kanya.
"Si Kuya, bakit po?" Tanong na naman niya.
"Para namang hindi mo kilala iyang Kuya Juancho mo Ma'am Ava, eh pasaway iyan,' saad ng kasambahay sa kanya.
Matagal na sa kanila si Manang Dolor kaya ganoon na lang ito magsalita sa Kuya Juancho niya.
"Si Mommy po?" Tanong niya.
"Nasa may hardin si Senyora,' tugon nito sa kanya.
"Salamat po," pasalamat niya at lumakad na palabas para alamin sa ina kung ano ang pinag-aaway ng Daddy niya at Kuya.
Paglabas niya sa may hardin busy ang Mommy niya sa mga bulaklak na tanim nito. Isa ang pagtatanim sa libangan ng Mommy niya. Kung wala ito sa kusina para magluto at mag bake paniguradong nasa may hardin ito nagtatanim ng ibat-ibang mga bulaklak.
"Good morning po Mommy," bati niya sa ina na agad namang lumingon nang marinig siya.
"Good morning hija. Gising ka na pala," saad nito sa kanya.
Huminto siya sa tabi ng ina na busy sa pag spray ng tubig sa rosas na tumubo. Inaalagaan talaga nito ang mga tanim nito. Therapy daw kasi nito ang mga pagtatanim saka pagluluto at pag bake.
"Mommy, si Daddy at Kuya po?" Tanong niya.
"Ang Kuya Juancho mo nakaalis na at Daddy mo nasa library," tugon ng ina na hindi man sumusulyap sa kanya.
"Ano na naman po ang nangyayari sa kanila at nag-aaway po yata sila?" Usisa niya sa ina.
"Ano pa ba ang bago sa mang amang iyan. Hindi naman talaga magkasundo ang mga iyan pagdating sa trabaho. Kanya-kanya kasi sila ng diskarte sa trabaho pagkatapos ayaw ng bawat isa ang diskarte ng isa," iling ulong litanya ng Mommy niya.
"I see," tanging tugon na lang niya rito. Siguro nga dapat na siyang masanay sa lagi na lang pag-aaway ng Daddy niya at Kuya Juancho. Hindi naman na kasi bago iyon sa pamilya nila. Kahit naman sa opisina aso't pusa pa rin ang mga ito.
"Si Avie ba gising na?" Tanong ng Mommy niya sa bunsong kapatid niya na nasa Senior High-school pa lang.
"Hindi ko po napansin," tugon niya rito.
"May pagkain na mesa mag almusal ka muna bago ka pumasok sa opisina," saad nito sa kanya.
Tuwing weekdays ganito sila ng pamilya niya, hindi nagsasabay-sabay sa almusal, dahil maaga pa lang may kanya-kanya na silang lakad lahat. Tanging ang Mommy lang naman niya ang naiiwan sa bahay nila. Siya ang Kuya Juancho niya at ang Daddy niya pumapasok sila sa kompanya na pagmamay-ari ng Daddy niya. Even siya doon na pumasok nang makagraduate last year. Business Manager ang posisyon niya sa kompanya at nag e-enjoy naman siya. Angkop naman kasi ang kurso niya sa kanyang trabaho. Although noon bago siya mag college nais sana niyang maging flight attendant, pero alam niyang hindi papayag ang Daddy niya. May mga negosyo kasi sila at hindi nais ng Daddy niya makipag trabaho pa sila sa iba, kaya siya at ang Kuya niya at may matataas ng posisyon sa kompanya ng Daddy nila.
"Sige po," tugon niya.
Isa ang pamilya nila sa mga kinikilalang mayaman sa bayan ng San Juan. Nakatira sila sa kilalang subdivision sa bayan nila ang De La Cerna Subdivision na pagmamay-ari ng pinakamayaman sa bayan nila ang mga De La Cerna na mga politician at negosyante. Lahat ng mga nabibilang sa mayayamang pamilya sa kanilang bayan nais makasalamuha ang mga De La Cerna. Iba na rin ang level ng pagiging may kaya once na magkabahay ka na sa loob ng De La Cerna Subdivision.
Namulat siya na hindi pa sa De La Cerna Subdivision ang bahay nila, kung di sa kabilang subdivision na masasabing middle-class lang. Pero nang mag boom na ang negosyo ng Daddy niya agad na itong bumili ng malaking lote sa De La Cerna Subdivision at pinatayuan na ng bahay. Nais daw kasi ng Daddy niya na maka level na rin ang mga kinikilalang mayaman na pamilya sa kanilang bayan. Sa sipag, tiyaga, diskarte at talino ng Daddy niya lahat ng pangarap nito natupad nito. Isa na itong kinilalang negosyante at mayaman na tao sa kanilang bayan. Although malayo pa sa katulad ng mga De La Cerna ang yamang meron ang pamilya niya, masaya naman ang Daddy niya sa progress ng hardwork nito.
Habang kumakain siya mag-isa ng almusal sa komedor naririnig niyang nagbubulungan ang mga kasambahay sa di kalayuan niya habang naglilinis.
Parang pinag-uusapan na may nakatira na yata sa bagong gawang bahay sa tabi nila. Noong isang taon pa sinimulan ang bahay sa tabi niya. Malaki, moderno at halatang milyon-milyon ang ginastos sa ganda at laki ng bahay. Walang duda na mayaman ang may-ari. Hanggang ngayon wala pa silang idea kung kanino ang bahay sa tabi nila, kahit ang Daddy niya na inaalam agad kung sinu-sino ang mga bagong salta sa subdivision nila ay wala ring idea kung sino ang magiging bagong kapit bahay nila.
Lahat naman yata ng nakatira sa loob ng subdivision ay halos hindi naman din nagkakakitaan, bukod sa matataas ang bakod eh lahat matatas din ang ilong, ni hindi man makapag hi pag nagkita sa labas. Baka ganoon talaga pag mayamang-mayaman. Nasanay rin kasi siya sa middle-class lang.
Sakay ng mamahaling kotse niya na regalo ng Daddy niya sa kanya noong graduation niya, mabagal siyang nagmaneho palabas ng kanilang gate upang magtungo na sa opisina.
Bumagal ang takbo niya dahil may papasok na sasakyan sa kabilang bahay na bagong gawa.
Napatingin pa siya sa mamahaling sasakyan na papasok. Mas mahal kesa sa gamit niya. Napatango-tango pa siya. Mukhang mayamang-mayaman nga ang bago nilang kapitbahay. Sana na lang marunong makisama at makipag kaibigan para naman hindi ito ma bored sa kabibilang ng yaman nito.
Nakababa ang bintana ng driver seat kaya namataan niya saglit ang lalaking driver. Nakita niyang lalake ang driver at gwapo ito. Sa sandaling pagkakatitig niya sa lalaking driver tila namukhaan niya ito.
"Harvey?" Bulong niya dahil parang kilala niya ang mukha ng lalaking nasa driver seat.
"Imposible, matagal ng wala si Harvey sa bayan ng San Juan. Hindi siya iyon," bulong niya.
Nang umandar na ang sasakyan niya sinubukan niyang sumulyap sa loob ng gate pero may nagsasara na kaya hindi na niya nakita pa ang mukha ng driver na familiar sa kanya.
"Hindi si Harvey iyon," bulong niya at iniling-iling ang ulo.
Si Harvey De Guzman ay ang lalaking una niyang minahal. Naging nobyo niya at nag iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso magpa hanggang ngayon.