24 "Why are you early?" nakangiting tanong ni Alex kay Rain nang pumasok siya sa bahay. Past one pa lang naman kasi ng hapon ng mga sandaling iyon. Di rin niya alam kung bakit sa mansyon siya tinuloy ni Hanz sa halip na sa trabaho. "Dito kasi ako Mommy diniretso ni H-Hanz," parang nautal pa sya sa pagbanggit sa pangalan niyon. And speaking, pumasok na ito sa pinto at lumapit sa ina. "Si Daddy?" tanong nito at naupo sa sofa. Nasundan lang niya iyon ng tingin. Yun pala ay nakatingin sa kanya ang Mommy Alex niya. "May sinaglitan lang," anito pero nakatingin pa rin sa kanya. Bigla na naman syang nahiya. Nagblush pa nga yata sya. Umiwas na lang sya ng tingin, iyon pala ay tinitingnan nito ang namumugto niyang mga mata. "Did you cry, Sandi?" inayos nito ang buhok nya. Di pa man lang sya