Chapter 45 "Ano?" Walang nakuha sina Eira na impormasyon dahil before makarating sa mansion ng mga Lavien ang mga umatake kina Mapple ay nag-suicide ang mga ito. Napatakip ng bibig si Elvis. Kung alam lang nila na mangyayari iyon hindi nila agad pinadala sa mansion mga iyon. Sila na dapat ang nagtanong. Tiningnan ni Elvis si Mapple na nakaupo at kasalukuyang sumisimsim ng tea. "Pwede ko ba makita katawan nila ate Eira?" tanong ni Mapple. Nagkibitbalikat si Eira sinabi na walang problema. "Sasama ako," ani ni Elvis after tumayo sa pagkakaupo sa sofa at hinawakan si Mapple sa daliri. "Hindi pwede Elvis." Baka lagnatin and worst mag-passed out si Elvis kapag nakakita ng patay na katawan. "No, sasama ako. Gusto ko sumama," ani ni Elvis. Matigas ang ulo ni Elvis at kahit si Mappl