Chapter 36 "Buko! Sabi naman sa iyo huwag ka pahara-hara." Napalingon sina Calypso matapos marinig ang familiar na boses. May isang lalaki ang half naked na nakatayo sa harapan ng isang pinto at bahagya sinisipa ang pusa tabi dahil may mga hawak siya na kahon. "Barcode? Anong ginagawa mo dito?" Napatigil ang lalaki at lumingon. Nakita niya na agad nagtago si Calypso sa likod ni Clover. Nakita niya iyong apat na magbabarkada. "Ano naman klase tanong iyan Mayers? Nakikita mo naman nagbubuhat ako ng mga kahon." Lumapit ang lalaki at bahagya iyon binaba sa isa sa mga estante. Sinuklay ang sariling buhok. "Kahit saan na lang kita nakikita pakalat-kalat hindi mo ba talaga titigilak kapatid ko?" Iritable na si Marco at masama na ang tingin nito kay Barcode. Agad tinanong ng matanda kun