Chapter 36 3rd Person's POV Patuloy ang biyahe. Takot na takot si Calypso hanggang sa magkaroon ng traffic. Napamura ang isa sa mga kidnapper. Wednesday ang araw na iyon kaya nagtaka ang mga kidnapper bakit biglang nagkroon ng traffic. Sunod-sunod ang mga busina na naririnig nila. 10-30 minutes. Walang usad ang traffic. Alam ni Calypso maya-maya ay isa sa mga kidnapper ang bababa. Kailangan niya kuhanin ang time na iyon para tumakbo. Kalaunan sa mansion ni Cairo Argen. Nanginginig si Hailey habang nakaupo sa sofa. Nandoon sina Messiah, sina Clover at sina Jude. Nasa kabilang linya si Cairo na nakasakay sa motor kasama ang mga tauhan nito. "Meron ka lang 40 minutes Argen," ani ni Eros. Nasa harap ng lalaki ang laptop. Apat sa stop light ay kinontrol ni Eros. Pinanitili niya an