02

2188 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Makalipas ang ilang oras na biyahe. Nakarating na sina Eira sa loob ng subdivision at hininto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gate. Nang kusang bumukas iyon— pinaandar na ulit ang sasakyan papasok sa loob at pinarada sa hanay ng mga kotse na nasa loob ng parking lot. Sa pagkakaalam ni Eira isa lang ang anak ng mga Jimenez ngunit ang dami niyang nakikitang sasakyan na sa mga magazine niya lang naman iyon nakikita dahil sa ang mga halaga nito ay sapat na para bumili ng isang company. Bumaba si Eira at agad tumingin sa mga sasakyan na nakaparada doon na nakita niya sa loob ng sasakyan kanina. Bumuga ng hangin ang ama ni Messiah matapos makita ang mga nakaparada na sasakyan sa parking lot. "Ilang beses ko na sinabi kay Messiah na huwag ipaparada ang mga sasakyan niya dito sa parking lot," naiirita na sambit ng lalaki bago naunang pumasok sa loob ng mansyon. "Collection iyan ni Messiah, araw-araw nagpapalit-palit siya ng mga sasakyan at madalas nakakalimutan niya iparada sa likod nitong mansyon," ani ng ginang na kinatingin ni Eira. "Ibig sabihin tita, hindi lang ito ang sasakyan ng anak niyo?" tanong ni Eira na kinahilot ng ginang sa sentido. "Yes at wala pa ito sa kalahati ng collection niya, hindi ko na alam ang gagawin talaga sa batang iyon. Wala naman problema kung bibili siya ng sasakyan pero sana huwag ganito kadami dahil kahit space sa parking lot pinagtatalunan pa ng mag-ama," ani ng ginang. Hindi alam ni Eira pero ng pagkakataon na iyon nakaramdam ng inis ang dalaga sa binata kahit hindi niya pa ito nakikita. Galing din siya sa prestisyoso na pamilya. May mga kapatid din siyang lalaki pero napalaki sila ng mga magulang na alam kung anong salitang limitasyon at mukhang wala iyon sa bokubularyo ng tagapagmana ng mga Jimenez. Inaya ng ginang si Eira papasok ng mansyon. Maaliwalas ang disensyo ng loob ng mansyon. Napakaganda din ng paligid at maganda ang pakiramdam niya sa bahay na iyon. Ngunit nang mapako ang tingin niya sa binata na kasalukuyang nakahiga sa sofa, may hawak na phone at kasalukuyang kumakain ng peanut at basta na lang iyon tinatapon sa carpet kung saan agad nililinisan ng katulong. Pakiramdam ni Eira hindi niya kahit kailan makakasundo ang lalaki. Napatingin si Messiah sa direksyon ng ina na kasalukuyang papalapit sa kanya. "Yo mom, kamusta biyahe niyo?" may ngiti na sambit ng binata sa ina at hindi nito napansin si Eira na nanatiling nakatayo hindi kalayuan sa mag-ina. Lumapit si Eira at agad siya pinakilala ng ginang. Hindi niya din pinansin ang mga apila nito dahil mas nag-focus ang dalaga sa pag-oobserba sa paligid at sa binatang magiging boyfriend niya sa loob ng dalawang taon. Sa isip ng dalaga, lahat ng ayaw niya sa lalaki nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwalang baby pa lang sila pinagkasundo na si Eira sa lalaki. Kung hindi siya pumayag sa condition ng tita Michelle niya na patinuin ito sa loob ng 2 years at mag-act ito ng girlfriend sa lalaki. Ipapakasal na lang sila bigla katulad ng naging usapan ng tita Michelle at mommy niya 'nong mga time na baby pa sila ni Messiah. Kailangan niyang magawa iyon sa loob ng 2 years sa pamamagitan ng pagtira niya sa bahay nito at makabalik na sa pamilya niya. Ayaw niya sirain ang buhay niya sa lalaking kaharap niya. Ayaw niya ng imaginin ang mga mangyayari kung hindi gumawa ng kasunduan ang ina niya na magiging valid lang promising nila ng mom niya at tita Michelle niya kung magde-decide nga ang dalawa na magpakasal ayon sa kagustuhan nila. Sa isip ng babae imposibleng mangyari iyon dahil kahit konting hint ng salitang 'peace'. Wala siyang nakikita sa future nilang dalawa ng binata. Masyado itong presko, mayabang at walang ugali. Meron naman lalagyan ng balat ng peanut sa coffee table mas pinipili nito itapon ang balat sa carpet para pahirapan ang katulong na nakatayo sa gilid ng sofa na patuloy sa paglilinis ng kalat ng lalaki. Messiah Jimenez's POV Matapos ko malaman kina mom at dad na aalis nga ito para sa isang business trip. Hindi mapantayan ang tuwa ko dahil mararamdaman ko na ang tunay na kalayaan. Mapapalayo na ako sa control freak ko na ina at pwede na akong hindi umuwi sa mansyon. Mahabang gabi ng kasiyahan kasama ang mga girlfriend ko at walang sawang inuman kasama ang mga barkada ko. Hindi ko pinansin si mom ng lumapit ito sa kinahihigaan ko na sofa dahil busy pa din ako sa pakikipaglaro ng COD sa mga barkada ko. "Messiah, this is Eira Averie Mayers— simulan mo na siyang kilalanin at sanayin ang sarili mo na kasama si Eira, dahil simula ngayon, girlfriend mo na siya at siya na ang makakasama mo dito sa bahay habang wala kami ng daddy mo." Parang nagpantig ang tenga ko matapos marinig iyon. Tiningnan ko si Mom matapos mabasa ang 'defeat' sa screen ng phone ko. "Are you kidding me, right mom? Girlfriend ko? Mom! May girlfriend na ako," ani ko na may hindi makapaniwalang tingin kay mom. Napa-pokerface ako dahil sa idea na na-cancel ang gathering namin ng mga kabarkada ko dahil sabi ni mom— huwag akong aalis sa bahay at hintayin siya bumalik dahil susunduin niya ang magiging girlfriend ko at makakasama ko sa bahay na akala ko prank lang. Seriously? Out of the blue bigla na lang siyang magpapakilala ng babae sa akin at sasabihin na girlfriend ko? Tiningnan ko ang babaeng katabi niya na hindi 'man lang ako tinapunan ng tingin. Maganda iyong girl— sexy at may maliit na mukha, mahabang buhok at masasabi kong type ko talaga ang babaeng kasama ni mommy, physicall but— ayoko sa babaeng hindi makabasag pinggan mas gusto ko iyong wild. Napa-pokerface ako at tiningnan muli si mom bago ako umayos ng pagkakaupo mula sa kinahihigaan ko na sofa. "Mom, madami akong girlfriend. Pinakilala ko pa nga sa iyo diba? Bakit dadagdag ka pa ng isa? Sana sinabi mo na kulang pa para lahat ng girlfriend ko pinakilala ko sa iyo sabay-sabay," maangas na sagot ko at dahil doon— nakatikim lang ako ng isang hampas sa ulo. "Mom! Masakit! Kaya ako nabo-bobo eh!" "Punyeta kang bata ka! Ang girlfriend isa lang! matuto ka makuntento sa isa!" umuusok ang ilong na sambit ni Mom na kinangiwi ko. "Mom, ang boring mo. Nasaan ang saya kung isa lang ang girlfriend mo?" Tiningnan ko iyong babae— napatigil ako ng magtama ang mata namin dalawa. Ni-head to toe ko iyong babae bago nagsalita ulit. "Tapos gusto niyo magkaroon pa ako ng isang boring na girlfriend? Look mom, ayoko ng nerd type at pa-virgin type. Mas gusto ko ang wild at sexy type." Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o ngumisi talaga si mommy. Tiningnan ni mommy iyong babae na parang hindi narinig ang sinabi ko. "Eira, ikaw na bahala sa anak ko okay? Ikaw na bahala magpasensya sa kanya in future at kung may problema— tawagan mo na lang ako," ani ni mom. Humarap iyong babae bago bahagyang yumuko na kinaismid ko. As if magtatagal iyan dito. Gumuhit ang ngiti sa labi ko matapos pumasok sa isip ko na kailangan ko gumawa ng mga plano kung paano mapapalis ang girlfriend na pinakilala ni mommy. Magiging masaya ito lalo na kung maririnig ko ang pag-iyak nito at pagmamakaawa kay mom na alisin na siya dito sa bahay na ito. "Messiah," tawag ni mom na kinatingin ko. Ngumiti ako at humarap kay mom. "Yes mom?" inosenteng sagot ko na may ngiti sa labi. "Be a good boy, son," bilin ni mom na kinatango ko. "Yes, mom. Ako na bahala kay Averie, hindi niyo na kailangan mag-alala," ani ko na malapad ang ngiti habang nakatingin kay mom. "Fine, honestly, hindi naman ako nag-alala kay Eira. Mas nag-aalala ako sa iyo— anyway anak. Gusto ko lang i-inform ka na hindi kami tatanggap ng tawag galing sa iyo ng daddy mo." "As if mom tatawag ako! Hindi na ako bata," ani ko na napaismid na lang. Natawa si mom na para bang nang-asar ito. "Seriously?" ani ko. Kumunot ang noo ko ng ngumisi si mom at tumalikod. Bakit parang masama ang kutob ko sa ginawa na iyon ni mom. Last time na binigyan ako ng 'ganon na ngiti ni mom at talagang napikon siya sa ugali ko pina-rehab niya ako ng dalawang buwan dahil lang sa pinaliguan ko ng super glue ang masungit namin na professor, for god's sake saan ka nakakita ng 'ganon na ina. Eira Averie Mayers POV Hindi ko ini-expect na bibigay lahat sa akin ni tita Michelle ang access mula sa mga susi ng mga kwarto ng mansyon, private business card ng mga Jimenez kung saan makakapasok ako or makaka-access sa mga hotel, bar or kahit sa racing track kung saan madalas tumatambay si Messiah, basta ipakita ko lang ang card ns iyon. Binigyan din ako ni tita ng ilang envelop kung saan nandoon ang mga private facility ng mga Jimenez na hindi ko alam kung bakit pati iyon binigay sa akin. "Kapag tinangka kang saktan ni Messiah, huwag kang magdadalawang isip na balian ng buto si Messiah, naiintindihan mo ba, Eira?" ani ni Tita habang nakaupo sa gilid ng kama ko. "Nagbibiro ba kayo tita? Bakit—" "Lalaki pa din si Messiah— basta kapag may ginawa siyang hindi maganda sa iyo. Huwag kang magdadalawang isip na balian ng buto si Messiah, hindi ako magagalit," ani ni tita na may ngiti sa labi. Hindi ako umimik at binaba sa kama ang mga binigay na folder ni tita. "Huwag kayong mag-alala tita. Patitinuin ko si Messiah sa paraan na alam ko," sagot ko na kinatawa ng mahina ni tita. "Malaki ang tiwala ko sa iyo, Eira lalo na at anak ka ni Erin," bulong ni Tita Michelle bago umayos ng upo at inabot ang mga kamay ko. "Bukas na ang alis namin mag-asawa para sa business trip— sa iyo ko na pinagkakatiwala ang lahat dito pati na din kay Messiah. Pinaasikaso ko na din ang mga document mo para mag-transfer sa school na pinapasukan ni Messiah." "Kailangan mo lang gawin ngayon bantayan mo si Messiah at ilayo siya sa kahit na anong gulo," dagdag ni tita Michelle na may hindi maintindihan na expression. Nag-alala ito at iyon ang nababasa ko. "Huwag po kayong mag-alala. Ako na bahala kay Messiah," sagot ko kahit na ang totoo wala pa akong idea kung saan at paano ako magsisimula. Hindi si Messiah iyong tipo an dapat kina-kaibigan. Sa ngiti nito kanina habang nakatingin sa akin— wala itong gagawin na maganda. 3rd Person's POV Pareho nakatayo si Eira at Messiah sa labas ng mansyon habang pinanonood ang unti-unting pagkawala ng sasakyan sa paningin nila kung saan nandoon ang mag-asawang Jimenez. "Averie, nagpatimpla ako kay yaya ng juice. Tara kain tayo," yaya ni Messiah na may ngiti sa labi. Nilingon siya ni Eira. "Okay," ani ni Eira nakinangiti ng malapad ni Messiah kahit deep inside naiirita siya dahil mukhang wala 'man lang epekto dito ang charm niya. Bored lang itong nakatingin sa kanya. Hindi ito katulad ng ibang babae na nagi-stiff or halos maghugis puso ang mga mata tuwing nakikita siya. Naunang pumasok si Eira na sinundan ni Messiah. Nakarating sila sa kusina at doon nakita ni Messiah ang katulong na kasalukuyang nagsasalin ng juice sa baso. May hinanda din itong sandwitch. Lumapit si Eira sa lamesa at inabutan siya ng katulong ng inumin. Alanganin pa itong tiningnan si Eira. Wala naman imik na hinawakan ni Eira ang baso. Tumabi sa kanya si Messiah at kumuha din ng baso— habang umiinom pasimple nitong tiningnan si Eira na iniinom din ang juice na nasa baso. Tatawa si Messiah matapos makita na naubos ang nasa baso nang biglang maibuga iyon ni Eira sa mukha niya na kinasigaw nito. "Fuck! Fuck! My eyes! My fucking eyes!" bulyaw ni Messiah na kinataranta ng mga maid na nandoon matapos mapaupo si Messiah. Parang lang naman sinusunog ang mga mata ni Messiah dahil sa pinaghalong tomato juice at hot sauce na naibuga ni Eira sa mukha niya. Tinakpan naman ni Eira ang bibig at pasimpleng pinunasan iyon. Pinalagyan kasi ni Messiah ng hot chili sauce ang inumin ni Eira at dahil tomato juice iyon. Hindi halata dahil pareho lang ng kulay. Sunod-sunod ang naging mura ni Messiah at namumula ang matang tiningnan nito si Eira na palihim na napangisi na lang at tinalikuran siya. "Salamat sa meryenda, better luck next time— Mr. Jimenez," ani ni Eira na lumabas ng kusina na kinagitgit ni Messiah. Katulad ng inaasahan ni Eira, imposible talaga silang magkasundo ni Messiah. Umakyat si Eira sa hagdan at tinungo nito ang kwarto— binuksan niya ang kwarto niya, lumapit sa closet at kinuha sa cabinet na nasa loob ng closet ang isang lalagyan. Kumuha siya ng tableta doon at agad iniinom matapos maramdaman ang pangangati ng leeg niya. Allergy siya sa spicy at kung hindi siya agad iinom ng gamot baka sa unang araw niya sa mansyon ma-hospital siya at hindi siya doon papayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD