Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming nagtungo sa amusement park at labis akong natutuwa dahil masayang-masaya din ang mga anak ko. Talon sila ng talon habang tinuturo ang mga rides na nakikita nila sa himpapawid. “Daddy, I want to try that!” pabulol na sinabi ni Maddox at tinuro niya ang ferris wheel. “We will try every rides that we can,” sagot naman ni Max sa kanya at tumawa si Maddox sa kanya. “How about you, Eveanne, what do you want?” tanong ko sa kanya at nagpalinga-linga siya sa paligid tapos ay tinuro ang sasakyan na baso. “I want that,” sagot naman niya sa akin at nang matapos si Max sa pagkuha ng aming mga ticket, agad kaming pumila sa entrance. Matagal rin kaming nakapasok dahil sa haba ng pila pero hindi nawala ang pagkasabik ng mga anak namin. Nang tuluyan na kami