Matapos sabihin sa akin ni Heidee ang tungkol sa ginawa ni Kristina, pinangako ko sa kanya na tutulungan ko sila para lumaban. Nalaman ko rin na marami na pala silang hindi nagugustuhan ang ginagawa ni Kristina at naghihintay lamang ng pagkakataon para lumaban dito. "Maraming salamat po, pero bakit niyo po pala ito ginagawa?" tanong sa akin ni Heidee at napakagat ako sa aling kabi kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. "Huwag niyo na hong sagutin kung hindi niyo kayang sabihin," sagot niya at natawa tapos ay nagpaalam na siya. “Max?” tawag ko sa kanya pagkadating ko sa bahay. Patay ang ilaw at walang kahit anong gumagawa ng tunog. Binaba ko ang aking bag tapos ay nagsimulang puntahan ang kwarto pero malinis na ito at walang bahid ng kahit anong gamit ng mag-ama ko. Kinabahan a