“D-don Sebastian?” natataranta kong sambit sa matandang nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya at ngayon, nasa harapan ko pero hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. “Eva! Mabuti at nandito ka!” sigaw niya pero pilit pa rin siyang lumalapit sa amin. Agad naman siyang pinigilan nila Lotus. Narinig kong kausap na ni Lexus si Max at sinasabi ang nangyayari dito sa opisina. “Gusto ko lang siyang makausap!” pagmamakaawa ni Don Sebastian sa kanila pero hindi natinag sila Lotus sa pagpigil sa kanya. Hindi naman din ako kumontra dahil gusto ko rin protektahan ang sarili ko. Ang alam ko talaga ay patay na siya. Sumalampak sa sahig si Don Sebastian at nagsimulang humagulgol habang nakaluhod at nakatapat sa akin. Paulit-ulit siya sa kanyang pagsasalita at humihingi ng pa