Nang makalipas ang oras namin habang nanonood ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Maximillian at sinabing pwede na namin sunduin ang aming mga anak dahil nakauwi na raw sila. “Nakauwi na raw sila Maddox galing sa amusement park, anong balak mo?” tanong ko kay Max at alam kong natanggap niya na rin ang mensahe galing kay Maximillian. “Okay, nagpatawag na ako ng kukuha ng mga gamit natin at uuwi na tayo maya-maya,” sabi niya sa akin at naisip kong mag-ayos na ng gamit ko para hindi na siya maghintay sa akin mamaya. “Teka, pwedeng ako muna ang mag-banyo?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa aking cellphone hanggang sa marinig ko na ang tunog ng shower kaya agad akong tumayo at kinuha ang tissue na ginamit ni Max at naisip kong maghanap n