Matapos ang eksenang iyon ay parang walang nangyari. Mabilis na nagbihis si Max at gano’n na rin ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay masasanay ako sa ganitong gawain namin. Kahit na hindi ko siya matandaan, hinahayaan ko lang ang aking katawan na gawin ang gusto nito kapag kasama si Max. Tila ay sanay na sanay ito sa lahat ng aktibidad ni Max. “Kung nabuburyo ka dito, dito na rin muna ako at gusto kong masanay ka pa lalo sa presensya ko,” aniya at umupo saka tinapik ang binti nito. Nagpalipat-lipat naman ang kanyang tingin sa akin at sa binti niya at alam kong gusto niya akong umupo doon. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya at mabagal na umupo sa binti niya at parang pinakikiramdaman ito. Nang magawa ko ito ay napahinga ako ng malalim dahil sa kaba na nararamdaman ko. Napatingin ak