“Napakatuso pala ng Sebastian na iyan,” iyon lang ang nasabi ko kay Aling Lusing ng matapos niyang ikwento sa akin ang dahilan kung bakit siya nakulong. Isang mayaman na negosyante noon si Aling Lusing. Naging mayabong ang negosyo niya sa isla ng Batangas at doon niya nakilala si Sebastian. Binata pa ito noon at walang asawa. Pinaibig siya ni Sebastian ngunit lingid sa kaalaman ni Aling Lusing, unti-unti na palang sinusulot ni Sebastian ang lahat ng investors niya at binibili ang mga shares nito. Nang nagkaroon ng malaking porsyento sa kompanya si Sebastian ay nagkaroon ng major voting sa kanilang dalawa ni Aling Lusing. Mas pumanig kay Sebastian ang natirang investors dahil karamihan sa kanila, hindi naniniwala na kaya ng isang babae ang pamunuan ang isang matibay na kompanya. Natalo