Nang makarating kami, madaling-araw na iyon at tulog ang mga bata kaya dahan-dahan nilang pinasok ang mga ito at hiniga na nila sa kama. Kami namang mga matatanda ay nagpahinga na muna, nagkape at ilang sandali lang ay natulog na rin. “Kaya ba talaga natin protektahan sila Roman?” pabulong kong tanong kay Max habang nasa kwarto kami. Binabagabag pa rin ako kung kaya ba talaga namin gawin iyon sa kanila. Huminga nang malalim si Max at hinila ako ng marahan para mahiga sa kanyang braso. “Hindi naman porket hindi kita na protektahan laban kay Kristina ay hindi ko na gagawin sa iba iyon. Humihingi ako ng pasensya dahil sa hindi ko nagawa ang unang-unang bagay na dapat ginawa ko,” bulong sa akin ni Max at ako naman ang napahinga nang malalim. Hindi ko naman sinisisi si Max sa nangyari sa