Chapter 73

1038 Words

Pinunasan ni Kristina ang kanyang bibig at hinawi ang plato. Dahilan para magkalat ang lahat ng iyon sa sahig. Tumayo na rin si Kristina papalapit sa akin at akmang sasampalin ako pero agad kong hinarangan ang kanyang kamay at tumayo na rin ako. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil baka magkaroon siya ng dahilan para hablutin ang maskarang suot ko. “How dare you! Binabawi ko na ang kontrata ko!” sigaw niya sa akin at muli akong inaabot pero pinipigilan ko ang kanyang kamay at ilang sandali pa ay dumating na ang mga waiter at inaawat kami. “Ma’am tama na po!” sigaw ng isang totoong empleyado ng restaurant. Hindi magawang lumapit ng mga miyembro ng Mafia ni Max dahil may sariling hudyat sa kanila. Sinampal ng malakas ni Kristina ang umaawat na waiter at dahil sa ginawa niyang iyon, ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD