“Eva!” narinig kong sigaw ni Max kasunod ang isang malakas na pagbukas ng pinto. Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan ng sandaling iyon kaya gano’n na lang ang gulat ko at agad kong hinubad ang suot kong apron. “Nasaan ka!” muli niyang sigaw at agad na akong lumabas galing sa kusina at kitang-kita ko ang galit na mukha ni Max. Pulang-pula ito at magkasalubong talaga ang kanyang kilay. Mahigpit ang hawak niya sa isang envelop at napasinghap ako dahil sa alam ko ang papel na iyon. “A-ano tong papeles na to’!” sigaw niya sa akin at binato ang envelop. Lumabas ang mga papel na laman nito at agad kong pinulot isa-isa ang mga papel. Nakita kong resulta pala talaga ito ng kanyang DNA test at totoong siya si Max. “Walanghiya ka, pinagdudahan mo pala ako!” sigaw niya sa akin at agad pumasok