“Kakatapos lang natin kumain, naiisip moa gad ang picnic?” “Right. Iniisip ko lang kasi, baka napapanis na ang laway mo,” sabi niya sa akin at muli na siyang humarap sa kanyang computer at nagsimula na uli magbasa ng ilang mga paperworks. “Wala ba akong naiwan na trabaho?” tanong ko sa kanya at binuksan niya ng tokador sa ilalim ng lamesa niya. Kinuha niya ang ilang bungkos ng folder at iniabot iyon sa akin. “Iyan ang mga naiwan mong trabaho noon na walang gumawa dahil ikaw lang ang naka-assign na gawin iyan,” sabi niya sa akin. Nanglaki ang mata ko sa dami ng mga paperworks na iyon. Nagsimula na akong sulatan ng mga impormasyon ang lahat ng mga dapat sulatan kaya naman naubos doon ang aking oras. Nagulat na lang ako ng biglang kalabitin ni Max ang aking balikat. “Kumain ka na mun