“Eva, handa ka na ba?” tanong sa akin ni Mama at kumatok sa pinto ng kwarto namin. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko habang suot ang isang kulay berde na silk at inusisa ulit ang aking mukha para tingnan kung may di ako maayos na make-up. Nang masiguro kong maayos ang lahat, lumabas na ako ng kwarto hawak ang aking pouch saka lumapit kay Mama. “Huwag kang kabahan at hindi naman kumakain ng tao ang mga amiga ko,” bulong sa akin ni Mama at ikinawit ang kanyang kamay sa aking braso saka kami sabay na nagtungo sa labas at may ngiti sa aming mga labi. Pinagbuksan kami ng driver niya at iniutos kung saan ang punta namin. Tahimik lamang ako sa loob at mahigpit na hawak ang aking cellphone habang si Mama ay nakababad rin sa kanyang cellphone dahil panay ang tawag ng kanyang mga kumare sa kan