“Gusto mo ba ipakilala na kita sa mga anak natin?” tanong ni Max sa akin habang nasa kusina kami at nagluluto ng pagkain para sa hapunan namin. “Huwag na muna. Gusto ko munang makasama lang sila,” sagot ko sa kanya at tumango siya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at niyakap ako. “Miss na miss na kita talaga,” bulong niya sa akin at napangiti lang ako. Miss ko rin naman siya at talagang nasasabik ako sa kanya noong nagkahiwalay kami. “I want to drink after dinner,” pag-iiba ko ng usapan namin. Nanatili pa rin siyang nakayakap pero yumuko siya at tinitigan ako ng masama. “May binabalak ka na naman kasi sa katawan ko kaya gusto mong uminom,” biro niyang sabi. Sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi niyang iyon. “Pero seryoso, bakit gusto mong uminom?” tanong niya sa a