Matapos ma-kwento ni Max ang lahat ng nangyari simula ng magkilala kami ay naniwala na ako sa kanya. Napaluha ako at niyakap ko siya. “Nagkukunyari lang akong hindi ako okay para malaman kung hanggang saan mo ko kayang tanggapin at nitong mga nakaraang araw ay labis akong natuwa dahil sa tanggap mo ko kahit na may kapansanan ako,” sagot niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kumalas ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha. “Tanggap kita kahit ano ka pa, Max. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito,” sagot ko sa kanya at dinampian na ako ng halik sa labi. “Okay, so naniniwala ka na sa sinasabi ko. Ibig sabihin ba nito ay magpapakasal ka na sa akin?” tanong niya at sunod-sunod akong tumango sa kanya. May kinuha siya sa kanyang bulsa at isang kahon iyon na maliit. Alam ko n