Chapter 26

1043 Words

Pagkagising ko, wala na si Max sa tabi ko ngunit agad kong naamoy ang pagkain na kanyang niluluto. Kaya naman agad akong bumangon at inayos ang aking sarili tapos ay saka na ako lumabas. Naabutan kong nakasuot ng apron si Max habang nakatalikod at abala sa kanyang pagluluto. Tila hindi niya ako narinig at doon ko napansin na nakasuksok sa kanyang tainga ang earphone at narinig ko na lang na bigla siyang kumanta ng isang kilalang rock song. Naupo ako sa lamesa na hindi gumagawa ng tunog at pinagmamasdan lang siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na isang kagaya ni Max ay magkakagusto sa akin. Nagulat ako ng makita siyang biglang lumingon sa akin kaya natigil ang pag-iisip ko ng sandaling iyon. “Goodmorning, kanina ka pa ba dyan?” tanong niya at agad na binaba ang hawak na sandok at inalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD