NAPATAYO na ako sa pagkakasalampak ko sa semento nang marinig ang announcement ng game master kina kuya Hanzel, ligtas na sila sa pang—apat na laro.
“Hannah, saan ka pupunta?” tanong ni Jameson sa akin.
“Babalik na ako sa building natin... Kailangan nating maghanda ng pagkain para sa kanila. Baka pagod na sila,” sagot ko sa kanya.
Mukha lamang madali sa monitor ang Patintero, pero ang laki ng agwat ng unang linya, sa pangalawa at huling linya. Kaya paniguradong napagod din sila.
“Sasama kami! For sure ang iba ay mananalo na rin dahil gagayahin nila teknik ng group natin,” sabi ni Jasmine kaya lahat kami ay umalis na rin.
Kanya—kanya na kami ng pag—aasikaso sa pagkain, lalo naʼng marinig na tapos na ang game four, inabot ng apat na oras ayon sa bilang ko.
Nakasilip na ako rito sa second floor, any minute ay babalik na sila rito. May kalayuan din naman kasi ang Plaza at hindi sila gumamit ng e—bike, ayaw nila gamitin baka kasi kunin sa kanila.
“Kuya Franco, handa na ba ang lahat? Iyong pagkain nila? Paniguradong pagod sila!” tanong ko muli, habang nakadungaw sa east building kung saan ay sakop namin lahat ng ito.
“Kanina pa, Hannah. Maayos ang lahat, dinamihan na namin ang pagkain at maging kanin... May malamig na ring juice at water para sa kanila!” Tinapik niya ang aking kanang balikat.
“What happen kaya sa kanila? Paano nila nalaman na ganoʼn ang teknik, ano? Siguro dahil talaga kay Timothy, that guy? Iʼm not scared naman habang nasa labas ang twin ko, cause I know mananalo sila!” malakas na sabi ni Candy habang naglalagay ng blush on. Hindi pa rin talaga siya nagbago, maging dito ay priority ang makeup niya.
“Hindi raw kinabahan? Nandoon ka nga sa sulok kanina habang sinasabi iyong, sana maging ligtas ang brother ko. Sana maging ligtas siya!” Ginaya ni Ether ang boses ni Candy.
“Che! Bwisit ka talaga, Ether! May crush ka na naman sa akin, ano! Hindi ako nakikipagbalikan sa mga ex ko na! So, no thanks!”
“Hoy, wala rin akong balak makipagbalikan saa maarteng katulad mo, Candy! Kaya no way! Thanks!” saad niya katulad sa tono ni Candy.
“Whatever! Saka, bakit nandito ka ba, ha? Nakasilip ka pa!”
“Hoy, support lang din ako sa mga kaibigan at kaklase ko! Saka hindi lang ako ngayon ang nandito, maging sila nakasilip na rin at hinihintay ang pagdating ng grupo natin!”
“Hey, Candy and Ether, baka hindi niyo namamalayan, nahuhulog na muli kayo sa isaʼt isa,” nakangising sabi ni Wealand.
“Yuck! Kadiri! No way!”
“Huy, maka—kadiri ka naman sa akin! Pero, noong tayo bangong—bango ka sa akin. Sinisinghot mo pa nga ang leeg ko!”
Natawa kami sa sinabi ni Ether. “Ew! Ew! Kadiri! Hindi ko nga alam bakit ko ginawa iyon! Siguro may pinainom kang gayuma sa akin, ano? Kaya siguro nang mawalan ng bisa iyon, nakipag—break na ako sa iyo! Tsupi nga!”
“Naging sila ba?”
Nahigit ko ang aking hininga nang may magsalita sa likod ko, nakita ko si kuya Franco, malapit ang mukha sa akin ngayon. “Um, oo, kuya Franco... H—halos isang taon din silang dalawa noong second year kami,” sagot ko sa kanya. Pero, bakit nauutal ako? Nararamdaman ko ring umiinit ang magkabilang pisngi ko.
Huminga akong malalim at umalis naman ako roon, pumasok na muna ako sa loob para makainom ng tubig. Bigla akong nauhaw.
Kumuha ako ng baso at kumuha ng tubig sa water dispenser na mayroʼn dito, habang kumukuha ako ay nagulat ako nang nahulog iyon.
Nabasag ang basong kinuha ko.
Yumuko ako at kukunin na sana ang bubog nang may humawak sa aking braso. “Hey, donʼt touch it!” Napataas ang aking tingin at nakita ko si Valerian.
“Ha? Ikaw pala, Valerian!” usal ko. “N—nahulog ko iyong baso... Hindi ko alam kung bakit nahulog siya, hindi naman shaky itong water dispenser.” Ginalaw ko pa iyong patungan.
“Ako na bahala dʼyan, Hannah. Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin.
I nodded at him. “Um, oo. Iniisip ko lang kung bakit nahulog iyan... ʼDi ba may ibig sabihin kapag ganyan? B—bad omen?” Napalunok ako sa sinabi kong iyon.
“Donʼt say that!”
“P—pero, d—di ba i—iyon naman ʼyon?”
Iyon talaga ang natatandaan ko.
“Napanood nating lahat na nakaligtas sila, Hannah, kaya impossibleng bad omen iyan. Baka hindi mo lang masyadong naipatong nang maayos kaya nahulog—” Napahinto siya sa pagsasalita nang marinig namin ang maalaks na boses na nanggagaling sa labas.
“Nandʼyan na sila, Hannah! Nakabalik na silang lahat!” malakas na sabi ni Wealand at napatingin siya kay Valerian. “Anong nangyari?”
“W—wala, n—nabasag ko. Nahulog,” sagot ko sa kanya.
“Ganoʼn ba? Tara na, salubungin natin sila!”
Tumango ako sa kanya at tinignan si Valerian. “Mauna ka na, Hannah. Kanina mo pa sila hinihintay. Ako na bahala rito.”
“Thanks!”
Mabilis akong sumunod kay Wealand at nakita ko sila kuya Hanzel, pero bigla rin nangunot ang noo ko nang bilangin sila. “L—lima lang sila... Bakit lima lang sila?” sabi ko at maging sila ay nagbilang. “Nasaan si Ella? Bakit wala si Ella?” Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko, kaya bumaba ako para salubungin sila.
Narinig ko rin ang ilang yapak na sumunod sa akin hanggang nakababa na ako sa building na sakop namin. “B—bakit lima lang kayo? Si Ella? Nasaan si Ella?” tanong ko sa kanila, pero walang nagsalita kaya tumingin ako kay kuya Hanzel. “Nasaan si Ella, kuya Hanzel? May kausap ba siyang iba?” Tumingin ako sa likod nila, hanggang may nakita akong stretcher na may nakahiga roon.
Lumakad ako at napaupo sa harap nito. Gusto kong buksan ang takip nuʼn pero nanginginig ang aking magkabilang kamay. Huminga akong malalim hanggang inalis ko ang tabing na hindi ko na dapat ginawa.
“E—Ella!” malakas kong sabi sa pangalan niya nang makita ang katawan niyang maputla. “Ella? H—hey, this is bad joke, Ella!” Inalog—alog ang kanyang katawan niya, pero hindi pa rin siya nagigising.
“Ella! No! No!” Nag—umpisa ng tumulo ang aking luha sa mata nang hindi pa rin siya nagigising, kaya inalis ko ang telang nakatabing sa kanyang katawan, doon ay nakita ko ang isang bala sa may bandang puso niya. “Ella!” Niyakap ko ang kanyang katawan habang humahagulgol pa rin.
“H—Hannah...” Hinawakan ako ni kuya Hanzel, pero umiling ako sa kanya.
“B—bakit nangyari ito sa iyo?” Napalingon ako sa kanila. “S—sino may gawa nito sa kanya? Sino?” malakas na tanong ko sa kanila. Tuloy—tuloy pa rin ang pag—agos ng aking luha.
“Hannah.” Tinayo ako ni kuya Franco at niyakap niya ako. Nakita ko ang mukha nilang malungkot, maging ang ibang team ay napatingin sa amin.
“Hi, if you need help na sugurin ang pumatay sa kanya. Tutulong kami dahil sa inyo nabuhay kaming lahat na nandito sa school.”
Napataas kami sa nagsalita at nakita namin si Madeleine, ang matalino at President sa third year. “A—anong nangyari? Anong totoong nangyari?” tanong ko sa kanila.
“Hannah. Ako na. Ako na magsasabi sa inyo. Thanks, Madeleine. Pupuntahan na lamang namin kayo kapag need namin.”
Hinawakan ako ni kuya Hanzel at pumasok na kami sa building namin. Ang katawan ni Elle ay nilagay roon sa classroom kung nasaan ang ibang bangkay na namatay ng mga kaibigan at kaklase namin.
Pumanik kami sa second floor ng building na ito at naupo ako roon. Hinihintay ko silang magsalita kahit nakikita ko ang kanilang mga damit ay maraming dugo.
“A—anong nangyayari?”
Lumakad si Valerian at tinignan niya kaming lahat. “Si Ella... Patay na... Binaril siya sa dibdib niya,” ulat ko sa kanya. “K—kaya pala nahulog iyong basong hawak ko kanina. So, totoo iyon!” Napailing na lamang ako sa naalala ko.
“Hannah, listen to us... Hindi namin inaasahan ang nangyari kanina, naging mabilis ang pangyayari... Nagulat na lamang kami nang bumagsak sa sahig si Ella, nakaalis na kami sa Plaza at nasa harap na kami ng isang grocery store, may tumawag sa kanya... Iyon ang nangyari,” paliwanag ni kuya Hanzel sa akin.
“Wala kayong ginawa?” madiin na tanong ko sa kanila. “Hinayaan niyo lang na bumagsak si Ella? At, hindi siya hinabol? S—sino iyong bumaril?” Napapikit na lamang ako dahil sa galit ko ngayon.
“Nakapatay rin kami mula sa team nila Hannah... Hinagisan ni Devon ng kutsilyo iyong babae, kaibigan ng babaeng bumaril kay Ella. Sorry, Hannah. Nagulat kami nang barilin niya agad si Ella pagkalingon niya.”
Naririnig ko ang sinabi ni kuya Hanzel sa akin, pero ang puso ko durog na durog pa rin. “Sinong babae?” tanong ko sa kanila.
“Natatandaan mo ba iyong ex-girlfriend ng manliligaw ni Ella last year? Siya iyong bumaril, Hannah.” Napatingin ako kay Caspian nang siya ang sumagot.
Napaawang ang aking bibig dahil doon. “B—bakit? Dahil lang sa lalaki kaya niyang pumatay? Hindi namatay iyong babaeng iyon? Ang demonyong Trixia na iyon?” tanong ko sa kanila habang kuyom ang aking kamay.
Naaalala ko siya. Lagi siyang nagpaparinig kapag nakikita niya si Ella. Hindi naman sinagot ni Ella ang shokot ng ex—boyfriend niya!
“Nakatakas na sila Hannah. Hahabulin ko sana namin ni Anthony, pero halos lalaki iyong mga kasama nila... May mga sandata rin. Sorry. Wala kaming nagawa para isalba si Ella, s—sa puso ang tama niya.”
Napatawa ako nang malakas. “f**k them! Gusto nilang pumatay? I will. Papatayin ko rin ang Trixia na iyon,” madiin kong sabi.
Tumayo ako at nakita ko ang gulat sa mga mata nila. “What? Anong gusto niyong gawin ko? Maghintay rin at sabihing ay pinatay nila ang best friend ko, wala akong gagawin para iganti siya? f**k them! I will hunt them! Kung hindi tayo gaganti, nasa isip nila na pʼwede muli silang pumatay sa atin dahil hindi tayo sumugod. They are f*****g third year! Senior tayo kaya bakit tayo magpapatalo, lalo naʼt may alumna sa atin at kasama natin si kuya Victor. May baril ka po, ʼdi ba? At, itong building ay club building. Nandito ang archery club, kuya Hanzel and kuya Franco.” mahabang sabi ko sa kanila. “Handa rin tumulong ang ibang grupo rito! Kaya hindi ako tatahimik na hindi ako makaganti sa kanila. Kung dapat kong mapatay sa sarili kong mga kamay ang babaeng iyon, gagawin ko!” madiin kong sabi at umalis doon para puntahan ang ibang estudyante rito.
Kailangan nilang magbayad. Igaganti ko si Ella sa kanila.