Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ LANCE POV: ¤¤¤ "Frances, ano ba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata ng tuluyan akong napasandal sa pader. "Hindi nakakatawa ang biro mo." May gigil na muli kong sita sa kanya. "Hindi naman ako nagbibiro. Hindi ako lalayo at hindi ka makakawala sa akin kung hindi mo i kakansela ang date niyo ng doctor na iyon." Matatag na sagot niya na mas inilapit pa ang mukha sa akin. Akin na lang ang pagiwas para hindi madikit ang labi niya sa kahit na anong parte ng mukha ko. "Frances." Muli ay galit na sambit ko sa pangalan niya. "Sinabi ko sayo na huwag mong pakikialaman ang tungkol sa mga bagay na iyan. Kaya pwede ba. Lumayo ka nga." Sabay tulak sa kanya. Nasaan ang lakas ng mga kamay ko dahil hindi man lang siya natinag sa pagtulak ko. "Still no. Sabih