28 TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!! ºººLANCE POVººº Hindi ako makatingin ng deretso kina tito Kanye dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman kasi akalain na susunod si Frances sa akin ng sagutin ko ang tawag ni Derek kanina. At tulad ng dati ay hindi na naman ako nakaiwas o mas sabihing hindi ako nakatanggi sa mga haplos at halik niya. Naiinis na gusto kong pagalitan mismo ang sarili ko dahil kahit na anong gusto kong umiwas kay Frances ay hindi ko magawa dahil pinagkakaluno ako ng sarili kong damdamin. "Tulungan na kita tito." Pilit na kinalma ko ang sarili ko na huwag magpaapekto sa namagitan sa amin kanina ni Frances. "Maupo ka na lang hijo. Ako na ang bahala dito." Pagtanggi naman ni tito Reallan ng mag alok ako ng tulong sa inihahandang meryenda para sa aming lahat. Wala ka