30 TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!! ºººFRANCES POVººº "Para saan ang mga iyan?" tanong ko kay Frances ng maabutan ko siyang nagbabalot ng mga gamit niya at kahit na ang mga gamit ni Lucian. Ngumiti siya bago sinagot ang tanong ko. "It's time to pack our thing, sweetie. Maari na nating lipatan ang bahay na ipinagawa ko." sagot niya na iniwan ang ginagawa saka lumapit sa akin. Bago pa man ako makaiwas ay hawak na niya ang kamay ko na dinala sa tapat ng labi at dinampian ng halik. "Huh! Pero h-hindi pa.." "Saka na natin pag usapan ang ibang bagay. Ang paglipat natin sa bahay ang dapat na muna nating isaayos sa ngayon." pagputol niya sa sinasabi ko. "Sabi nina daddy na maganda ang bukas para sa paglilipat natin kaya nagpapatulong ako kay yaya na ayusin ang mga gamit natin sa paglil