33 Typos and grammatical errors ahead!!! ???? ○○○LANCE POV○○○ "Melissa." Tawag ko kay Melissa para sana utusang buksan ng pinto pero bakit parang walang nakakarinig sa akin. Binibihisan ko pa naman si Lucian dahil katatapos ko lang ito punasan at pinalitan ng diaper kaya hindi ako makatayo para mabuksan iyon. Napakibit balikat akong mabilis na lang na pinagpatuloy ang pagbibihis kay Lucian para ako na mismo ang magbubukas ng pinto. Habang karga ko si Lucian pababa ay napapalingon ako't hinahanap ang dalawa naming kasama ng bahay pero hindi ko sila mahagilap sa kung saan. Naisip ko na baka nasa silid ang mga ito ay nagpapahinga at natutulog pero hapon na. Mag aalas sais na ng gabi. "Sandali." May kalakasang sabi ko ng muli kong marinig ang doorbell mismo sa pinto. Habang palapit n