NAIIA Nagising ako dahil sa ingay na tumutunog sa loob ng k'warto ko. Sobrang ingay, dalawang klaseng tunog ang aking naririnig. Kahit inaantok pa ang aking diwa, bumangon ako. Naiharang ko ang aking mga kamay sa mukha ko ng tumama sa aking ang sinag ng araw. Umupo ako sa kama at nakita ko sa gilid si Mr. Brent. Hindi siya umalis? Binantayan niya ba ako buong gabi. Nakatagilid ang kanyang mukha sa kama ko, napagmamasdan ko tuloy ang matangos niyang ilong, makakapal niyang kilay, mapula niyang labi at ang guhit sa kanyang noo. Napailing ako at tumingin sa malayo, 'ano ka ba naman, Naiia, 'wag kang ma-i-inlove d'yan, babaero ang isang iyan.' Napabalik ang diwa ko ng marinig ko ulit ang tunog na niyon. Napatingin ako sa side table ko, nakita ko roon ang dalawang cellphone na umiil