NAIIA "May sakit ang ate ko. M-may sakit siya." Mahinang sabi ko na halos bulong na iyon. "Nagjo-joke ka lang diba? Nagbibiro ka lang, Naiia. Ayaw mo lang sa kaibigan ko dahil sa akin." Inangat ko ang aking paningin, pinantayan ko ang kanyang tingin sa akin. Malalim ang kanyang mga mata, malungkot ito. Umiling ako, "sana nga nagbibiro lang ako. Sana nagsisinungaling lang ako. Sana nga na sinasabi ko lang ito dahil ayoko sa'yo kaya ayoko rin sa kaibigan mo..." Huminga ako nang malalim, "pero hindi. Hindi, Mr. Brent. May sakit talaga ang ate ko." "P-paano nangyari? M-matagal na ba?" Umiwas ako ng tingin, "na-diagnose lang si ate Nayeli nu'ng nawalan siya nang malay dahil sa sakit na naramdaman niya. Tinakbo siya nila Mama sa hospital. Pina-MRI siya, may nakitang bukol..." Napal