NAYELI "Nayeli! Nayeli, gumising ka na r'yan! Hello, Nayeli! Umaga na, Nayeli!" Pumipikit pa ang aking mga mata. Inaantok pa ang aking pakiramdam pero pilit kong ginising ang aking sarili dahil sa sunod-sunod na katok at tawag sa akin mula sa labas. "T-teka lang..." balik na sagot ko kung sino man ang kumakatok ngayon sa labas ng pinto. Lumabas ako sa k'warto, partida nasa k'warto na ko pero rinig ko pa rin ang katok sa labas, plywood lang naman kasi ang dingding ng k'warto na ito. Pumunta ako sa sala s***h kusina namin at doon ako nagmumog, nagsepilyo at naghilamos. Nang tignan ko ang aking sarili sa salamin na nandito, maayos na ang mukha ko. Inangat ko na lang ang laylayan ng aking pantulog at ito na ang ginawa kong pamunas sa aking mukha. "Heto na, sandali lang!" ani ko sa ku