YRENEA Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa kanya. Si Isidro ba talaga iyon? Totoo ba iyong nakikita ko? A-akala ko tour guide siya sa Mt. Pulag? "Uy, Yre? Anong hinihintay mo r'yan? Nakakalayo na si Mr. Wesley sa atin." Nawala ako sa iniisip ko ng hilahin ako ni Rose at sinundan ang bulto ni Isidro. H-hindi ko alam na mayaman siya. Tapos, isa siya sa investor namin! Oh gosh! Nakasunod lang kami sa likod habang papunta sa office ni Dad. Office of the President. Ilan kaya ang share niyo rito? Napakurap ako ng makitang nasa loob na sila ng elevator. Bakit ako kinakabahan? Nakita kong nakatingin ito sa akin at ngumisi ng pumasok kami sa elevator. Bakit gano'n siya makatingin sa akin, naiilang ako sa ginagawa niya. Nang makarating sa floor kung sa'n ang office ni Dad, bum