NAYELI "Kaya pala lokong-loko ang kaibigan ko sa inyo." Nagulat ako sa kanyang sinabi. May naglalaro sa kanyang mga ngiti. Pero, pinanitili kong blangko ang aking mukha sa harap niya. "Sorry, Mister. We don't know you, excuse us." sagot ko sa lalaking humarang sa amin at hinila ko ang aking kanang kamay ni Naiia at nilagpasan namin siya. "I'm Theodore Morris, Nayeli and Naiia. Isa sa mga kaibigan nina Brent and Zack." malamig at seryoso sabi ng lalaking iyon. Napahinto ako sa paglalakad pero 'di ako lumingon sa kanya. Kilala ko siya. Namumukhaan ko siya. Pinakalma ko ang aking sarili at saka siya nilingon. "Wala kaming kilalang Brent and Zack, Mister - who you are. Nagkakamali kaya yata ng pinagtatanungan." seryoso kong wika sa kanya at kiniling pa ang aking ulo pakaliwa. "Ms.