Chapter- 2

2367 Words
 Magmula ng gabing iyon siya na ang tumayong guardian sa mga Ina at hindi alam ni JC sa sarili kung bakit ganito na lang ang kaniyang nararamdaman sa mag-ina. Nang makita ang sanggol at lalo pa ng mahawakan niya iyon ay magaan ang kaniyang pakiramdam sa bata. “Kumusta ang pakiramdam mo?” “Okay naman, salamat sa malaking tulong JC, kung hindi mo ako tinulungan ay baka kung napano na kami ng anak ko.” “Walang anuman ‘yon, saan ka pala nakatira dito? Medyo matagal na tayong magkaibigan ay hindi ko pa alam ang bahay mo?" “Ah, malapit doon sa lugar kung saan mo kami natagpuan noon.” “Iiwan na kita rito pero kailangan mong mag stay muna ng isang linggo dahil may isinasagawa silang pagsusuri sa puso mo.” “A-ano ba ang sakit ko?” Bigla siyang nakaramdam ng takot, hindi para sa sarili kundi ang anak. Paano na ito kung may malala pala ang siyang sakit at nanlulumong nag baling ng tingin sa ibang direksyon. “Are you okay? I mean may dinaramdam ka ba or may gusto kang kainin?” “Ayos lang ako, sige iwan muna ako rito at salamat ulit.” Nasa may pintuan na si JC ng biglang pihit pabalik at may ibinigay siya sa babae. “Call me , kahit anong oras ay sasagutin ko ang tawag mo.” “Salamat  Bumalik siya sa realidad ng muntik ng makabangga, habang nasa daan si JC ay hindi mawala sa isipan ang sitwasyon ng ma-ina sa ospital. May pakiramdam siya na hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigang si Sunshine. Nang makapag park ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Antok na siya lalo pa at naka inom ng kaunti. Agarang shower at pabagsak na humiga sa semi-double na kama. Hindi nagtagal at tuluyan ng kinain ng kamalayan, naging banayad na rin ang paghinga ng binata. Sa ospital ay kanina pa sinusubukan na tawagan si JC dahil sa isang buntis na naghahanap dito. Subalit hindi makontak ang mobile phone ng binata dahil walang signal. “Ma’am, may iba pa ho kaming OB Gyn rito, dahil out of coverage po si doktor JC.” Malumanay ang pananalita ni doktora Pauline sa buntis na sigaw ng sigaw. “No! I need him, siya ang gusto kung magpa anak sa akin kaya tawagan mo uli!” Gustong mag panting ng taenga ni Dra. Pauline dahil sa kaartehan ng babaeng kaharap. “Hindi nga po ma-kontak Ma’am, kung gusto nyo ay kayo na ho ang kumuntak kay doktor JC.” “Shut up! And who are you para utusan ako?” Doon ay tuluyan ng naputol ang maikling pasensya ni doktora Pauline. “You! Shut up too! Hindi mo ako utusan! Gaga na to, umalis ka nga ng hospital ko! Ang arte arte mo ay ang panget mo naman!” Natulala ang mga nurse at ibang doktor na nakasaksi sa ginawa ni doktora Pauline. Hindi makapaniwala ang lahat na may tinatago pala itong kabaliwan at pati ang pasyente ay minura mura at pina aalis pa. “Pauline!” “What?” “In my office! Now!” Gusto pa niyang awayin ang babaeng maarte kaya lang ay alam niyang galit na ang kaniyang Lolo. Kaya’t napilitang sumunod dito ngunit nasulyapan niya ang bagong dating na si doktor JC. At sa init ng kaniyang ulo ay papatikimin niya ng galit ang lintik na OB Gyn na ito. “You! Anong oras na at late ka? Alam mo ba na iyong gaga mong pasyente na saksakan ng panget na maarte ay nasa delivery room?” “What? “F*ck you! Asshole! Dick head! Sa inis ay tinalikoran na niya ang lalaking tanging “what” lang ang nasabi. Samantala ay hindi pa man lang nakakapasok sa loob ng delivery room ay sinalubong na siya ng ilang nurse. “Naku! Doktor mabuti at dumating ka, kanina pa ho ang pasyente mo nag sisigaw sa loob ng Delivery room.” “Nasaan ba ang ibang OB Gyn? Bakit ‘di ba nila inaasikaso ang pasyente?” “Ayaw nga po ng ibang doktor kaya nga po ayon at minura mura ni doktora Pauline ang pasyente.” “Ano? Minura ba kamo?” “Opo, doktor at sinabihan pa na-panget na maarte umalis ka ng hospital ko! Mabuti na lang dumating ang Chairman at ayon nasa office sila.” “Sige nurse, salamat sa impormasyon.” Naabutan pa niya ang pag tutungayaw ng babaeng buntis, at kahit sino nga ay maiinis sa boses nitong napakalakas umatungal. “Misis, huminahon ho kayo at nakaka distract ng ibang pasyente, ganyan po talaga pag naglalabor kaya’t kailangang tiisin Ma’am.” “Oh, doktor nariyan ka na pala, paki check mo na ako at lalabas na yata ang anak ko.” Gustong matawa ni JC sa ginang, biglang huminahon ang boses nito at nagawa pang ngumiti sa kaniya.  “Okay, relax at i-check natin kung ilang cm na.” Medyo nakakaramdam ng inis si Jc dahil kung umasta ang babae ay parang matagal na silang magka kilala, dahil may kakaiba rito. May napansin rin siya kaya mabilis na tinapos ang ginagawa at lumayo sa babae. “Fix yourself Ma’am, and nurse nasaan ang record ng pasyente pakidala sa office ko.” Mabilis na tinalikuran ang babae at lumabas ng Delivery room. Nang makapasok sa kaniyang opisina ay naupo muna siya at hindi nagtagal ay kumatok ang isang nurse. “Please come in.” “Doc. ito na po ang files na kailangan nyo.” “Salamat nurse,” at mabilis na pinasadahan iyon. Napa kunot ang noo ng makitang hindi pa kabuwanan ng pasyente. Kaya dinayal ang intercom at inutusan ang nurse na i-discharges na ang babaeng buntis. Ilang araw na ang lumipas at wala siyang masyadong pasyente ng maalala ang mag-inang Sunshine. Dinampot ang kaniyang coat at malaki ang hakbang na tinungo ang parking. Pupuntahan niya ang mag-ina sa ospital para kamustahin at malaman na rin ang tunay na kalagayan ng babae. Ini-start na niya ang engine nang biglang bumukas ang kabilang side ng pinto at pumasok roon ang isang babae. Hindi niya agad namukhaan ito dahil sa buhok na tumatakip sa mukha at bahagya pang naka yuko ito. “Who are you?” “It’s me ang pinaka maganda ng buong ospital.” Saka matamis na nginitian ang nakasimangot na binata. “Anong kailangan mo at bakit ka sumakay sa kotse ko?” “Ang sungit mo naman, syempre sasama ako kung saan ang punta mo.” Pabalang niyang sagot na lalo pa yatang ikina simangot nito. “Baba! May mahalaga akong pupuntahan at hindi kita kilala, lalong hindi tayo magkaibigan para sumakay ka riyan!” “Eh, ‘di magpapakilala ako si Doktora Pauline Gonzalgo, na pinaka hot and sexy ng buong nasasakupan ng “GONZALGO MEDICAL CENTER” at your service.” Lintik na babaeng ito, tika Gonzalgo ba ika ang witch na ito? Impossible na kamag anak ito ng ospital na kanilang pinapasukan. “May sinasabi ka ba Mr. OB Gyn....” “Shut up, witch! Bumaba ka na at kailangan ko ng umalis!” “Sasama nga ako, bakit ang slow mo yata? Kung ‘di ka lang pogi ay hindi kita sasamahan.” Sabay sandal niya sa upuan at itinaas pa talaga ang isang legs at gustong humagalpak tawa ng makita ang mukha ng binata. Kulang na lang ay umuusok at mag apoy na ito sa galit sa kaniya.  “Bakit ba ang kulit mo? Pwede bang bumaba ka na nga!” “Alam mo ini-stress mo lang ang sarili mo, hindi ako bababa rito dahil sasama nga ako! Ano pala ang itatawag ko sayo baby?” “Anong baby? Tigilan mo ako sa pangungulit mo, ano ba? Bababa ka ba o hindi?” “Hindi! Kaya simulan muna mag drive, okay?” Sa sobrang inis ni JC ay malakas na tinapakan ang silinyador at halos lumipad sila sa bilis. Para namang nananadya at relax pa na sumandal habang masaya ang mukha na nakatingin sa kaniya. “Witch!” “Dickhead? Wow! yan na lang ang code name mo total ayaw mong patawag ng baby.” Subsob si Pauline sa sobrang lakas ng tapak niya sa preno, at nakaramdam siya ng awa rito ang makitang nabukulan ang maganda nitong mukha. “Are you okay?” “Gusto mo yata akong patayin dickhead?” Agad na nawala ang pag alaala niya sa mukha ng marinig ang boses nito. Saka bali walang pinausad ang sasakyan. Bahala ang babaeng ito hindi  na niya ito kakausapin hanggang mapanis ang laway nito.  “Anong gagawin natin dito dickhead? At sinong naririto?” Hindi niya ito pinansin, kahit ang lingunin ay hindi ginawa. Diretso lang siya sa room ng mag-ina at napatakbo siya ng makitang tila matutumba ang babae sa pagkakatayo. “Ayos ka lang ba?” “Ahm, okay lang ako.” Nakamasid lang sa may pintuan si Pauline, iniisip niya kung sino ang babaeng ito at anong relasyon sa dickhead niya. Pero syempre hindi siya tatayo lang doon dahil baka magka ugat ang kaniyang magandang legs. Kaya kahit hindi siya inaalok na mga ito ay kusang umupo siya sa mahabang upuan. Nasulyapan niya ang natutulog na sanggol at nilapitan iyon. “What's the baby’s name?” “ Axel Jake, AJ ang palayaw niya.” “Oh, hindi ba at initial rin ang palayaw mo dickhead?” Muntik ng mapa bungisngis nang tawa ang Ina ng bata. Samantala ay parang gusto ng sapakin ni JC, ang dalagang napaka kulit. “Ikaw naman Mommy, anong pangalan mo?” “Sunshine ang pangalan ko,” tipid niyang sagot sa magandang babae. Natutuwa siya sa dalawang nagbabangayan dahil bagay na bagay ang mga ito. Ang akala nga niya kanina ng dumating ay mag boyfriend o mag-asawa. “Okay, i will call you Shine, and from now on you are my friend and AJ is my inaanak. Napatanga na lang siya sa mga sinasabi nito, habang ang binata naman ay inis na nakatingin sa pakindat kindat na babae. “So, saan ang bahay mo friend Shine? Dahil simula ngayon ay palagi na akong pupunta sa bahay mo ng mabantayan ko itong dickhead ko.” “What? Are you crazy?” “Yes, I am crazy over you, my dickhead, kaya simula sa araw na ito ay boyfriend na kita at girlfriend muna ako.” “In your dream, witch! Sunshine, anong sabi pala ng doctor mo?” “Gusto nila na magpa check up ako sa heart center or sa specialist para masiguro ang tunay kong sakit.” “Kailan mo gustong mag tungo doon at sasamahan kita?” “Naku! Huwag na saka okay naman ako, siguro pagod lang ako noong mga oras na natagpuan mo kami ni baby.” “What do you mean my friend Shine? Huwag mong sabihin na bago pa lang kayo magkakilala nitong dickhead ko?” “Manahimik ka nga, witch! Nanggugulo ka lang dito, ang mabuting gawin mo ay umalis at umuwi ka na sa inyo!” “Ahm, Jc mamaya na pala ang labas namin rito at gusto kong magpasalamat sayo. Yong mga nagastos mo sa amin dito ay babayaran kita agad pag nakabalik na ako sa trabaho ko. Pasensya ka na at wala pa akong maibabayad sayo ngayon.” “Wala yon, at huwag muna ng isipin ang napaka liit na bagay. Saan ko pala kayo ihahatid ni baby?” “Ahm, huwag na at masyado na kaming nagiging abala sayo.” “Hindi! Ayos lang kaya nga ako naririto dahil susunduin ko kayo ni baby.” Hindi alam ni Jc kung bakit iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. “My friend Shine, tama ang dickhead ko kaya huwag kang mahiya at isa pa naririto naman ako handang tulungan ka.” Parang maiiyak si Sunshine, ang akala niya ay tuluyan na siyang pinabayaan ng Diyos. Ngayon ay biglang may isa pang dumagdag na mabait na tao at handang magbigay ng tulong sa kanilang mag-ina. “Salamat, pero ang totoo ay wala kaming uuwian na bahay, doon lang ako dati natutulog sa bodega ng aking amo. Kaya lang mula ng hindi ko na kayang magtrabaho ay tinanggal na nila ako roon.” tuluyang bumagsak ang kaniyang luha na agad naman siyang niyakap ng mga ito. “Shhh, don’t cry malaki naman ang apartment ko doon na kayong mag-ina sa akin tumira at lagi rin naman akong wala sa bahay.” Pakiramdam ni Sunshine ay nakatagpo siya ng tunay na pamilya. Kaya lubos ang pasasalamat niya sa binata at gano’n rin sa dalaga.  Habang lumilipas ang mga araw ay lalong napapalapit si JC sa mag-ina. Kaya excited siyang laging makauwi ng bahay, lalo na ngayon na halos buong linggo na on duty siya. Na miss niya ang mga ito, kaya dumaan muna siya sa mall at namili ng mga pasalubong. Minsan naiisip niya na possible ba ay nagkakagusto siya kay Sunshine? Sobrang napapalapit na ang mga ito sa kaniya at hindi niya alam kung anong tawag sa kaniyang tunay na nararamdaman. “Kumusta? Nasaan si baby?” “Nasa kwarto at tulog, ano naman yang mga dala mo? Namili ka na naman kaya ang dami ko ng utang sayo. Baka hindi na kita mabayaran, sige ka.” Hindi na siya nakasagot ng biglang pumasok sa pintuan ang kinaiinisan na babae. Bakit pala naririto ang babaeng ito? Impossible namang nalaman nito na uuwi siya ngayon ng bahay kaya naririto ito? “Oh, bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan dickhead? Humn, siguro na inlove ka na sa akin ano?” “Huwag kang mangarap ng gising witch, dahil kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa kagaya mong witch, bitch,whore at vulgar!” Napatanga si Sunshine sa narinig, nagtataka siya kung bakit gano’n ang trato ni JC kay Pau. Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga, dahil alam niyang hindi ito ganoong babae. “Whatever, dickhead! Tumabi nga riyan at pupuntahan ko ang inaanak ko!” Nang mawala sa paningin ni Jc ang dalaga ay binalingan niya si Sunshine.  “Bakit narito ang babaeng yan?” “Bakit hindi mo ba alam na diyan siya nakatira sa tabi nitong apartment mo?” “Oh, f*ck!  >>>     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD