Athena's POV WALANG DALA NA mga damit ang kambal. Mabuti na lang nadala ko ang iba pa nilang damit kaya may pamalit sila para pantulog. Iniwan namin si Hades sa sala habang kaming tatlo sabay-sabay kami nag-half bath sa banyo. Maliit lang ang banyo kaya siksikan kaming tatlo. Inuna kong inasikaso si Haden. Ngunit ayaw na nito magpa-asikaso sa akin pagdating sa pag-half bath. "Mama, malaki na ako. Kaya ko na maglinis ng katawan ko." reklamo sa akin ni Haden. Natigilan ako at binalingan si Alyana na naglalaro ng sabon. Lumapit ako dito para siya naman ang asikasuhin ko. Sinasabunan ko siya nang magsalita ito. "Mama, alam mo ba... ang laki ng paliguan doon sa bahay ni Daddy." kwento sa akin ni Alyana. "Anong ginawa mo sa bahay ng daddy mo? Naging behave ka ba?" "Hindi." proud pa na sago