Athena's POV "Momma! Mommy! Tinay! Hoy Tinay!" boses ni Tiyang, Haden, Helious at Alyana ang mga naririnig ko bago ko naimulat ang aking mga mata. Nakatulog pala ulit ako. Nagising na ako kanina ngunit dahil sa inaantok pa ay nakatulog lang ulit ako. Bumungad sa aking paningin ang triplets at maging si Tiyang ay nandito rin. "Tinay, tanghali na bumangon ka na diyan. Tutulog-tulog, ayaw mo ba magpakasal?" heto na naman si Tiyang. Panigurado mapupuno na naman ako ng sermon nito. "Mama, gising na po, naghihintay na po ang wedding gown niyo sa ibaba. Super duper ganda." abot tenga ang ngiti na iginawad ni Alyana sa akin. Kinabig ko ang mukha nito tsaka hinalikan sa pisngi. Sinulyapan ko ang wall clock. Alas siyete pa lang naman ng umaga. Masyado pa palang maaga kanina ng magising ako. "