Athena's POV WALA akong choice kun 'di pumunta sa kwarto ni Hades para kumuha ng damit na pampalit. Bakit ba kasi itong lalaking' to nangunguha lang ng gamit na walang paalam? Inilipat mga gamit ko na hindi man lang sinabi sa akin. Humugot ako ng lakas at huminga ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto.. Mabuti na lang at wala dito ang mokong. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa. Pagdating ko sa kama ay nandoon nagkalat ang mga underwear ko. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginawa niya sa mga underwear ko? Kaagad akong lumapit sa kama para isa-isang kunin ang mga panties ko na nakalatag sa kama. Napasabunot ako sa aking buhok dahil halos lahat ng panty ko nakakalat. Anong kalokohan naman kaya ang ginagawa ni Hades? Napalingon ako sa kinaroroonan ng banyo nang bum