Athena's POV KAAGAD kong ibinaba ang aking phone kahit nasa kabilang linya pa si Iris. Lumapit sa akin si Hades at kinakabisado ang aking mga tingin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Gano'n rin naman ang ginawa ko. Pag-iisipan niya na naman ako ng masama. Gano'n naman siya sa 'kin. "Sino yung tumawag sa' yo?" seryoso na tanong niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko ngunit hindi ako nakapagsalita kaagad. "Ena?" untag niya. Napatalon ako ng bahagya. "Si Mama, si Mama yung tumawag. Tinatanong niya sa akin kung anong naging desisyon mo? Ang sabi ko wala naman nagbago sa desisyon mo, hindi mo pa rin naman iuurong ang kaso ni Dale." Nagawa ko pa magsinungaling. Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling pa ako. Ngayong, pwede ko naman sabihin sa kaniya na si Iris ang tumawag sa 'kin.