Athena's POV HABANG kausap ko ang isang customer, ramdam ko naman ang panay vibrate ng cell phone ko sa secret pocket ng suot kong pencil skirt. Alam kong may tumatawag sa akin dahil sa pag-vibrate ng cell phone ko. Naka-silent at vibrate kasi ito dahil kapag nilagyan ko siya ng ringtone, baka ma-isturbo ang trabaho ko kapag may biglang tumawag. Hindi nga ako nagkamali, dahil sunod-sunod na may tumatawag sa akin. Nagpaalam ako kay Yana na pupunta muna ng rest room pero ang totoo, titingnan ko lang ang phone ko kung sinong tumatawag sa akin. Nang makapasok sa cubicle kaagad kong hinugot ang phone ko sa aking bulsa. Inaasahan kong si Hades ang tumatawag sa akin pero nalungkot ako nang makitang hindi pala si Hades. Kun 'di si tiyang Humingang malalim bago ko sinagot ang tawag nito. "Tiy