Athena's POV "We're going home." natigilan ako sa sinabi ni Hades. Kararating nga lang namin dito, ngayon gusto na kaagad kaming pauwiin. "Anong uuwi? Dito muna sila Tinay, mga dalawang linggo o isang buwan." kaagad na sabat ni Tiyang. Hindi na naman nagpapigil ang bibig nito. "O-one month?" hindi makapaniwala na bulalas ni Hades. Kaagad na kumunot ang noo niya tsaka tumingin sa akin. Mapagtanong ang mga tingin niya sa akin. Kung nagsasalita pa ang isip, alam kong tintanong niya kung totoo ang sinasabi ni Tiyang? "Ano naman ngayon kung isang buwan huh? Hindi ka makatiis? Hindi makatiis 'yang ano mo?" patuloy na pagkompronta ni Tiyang kay Hades. Tinakpan ko na lang ang akong bibig at medyo natawa sa sinabi ni Tiyang. Kahit kailan hindi mapipigilan ang lumalabas sa bibig ng tiyahin